Forty-Eight

188 17 16
                                    

You might find errors all the way

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

You might find errors all the way. Mispelled or wrong grammar 🤣😂 dala ng alak, pilit nag-update kahit lasing na 😅 parehas tuloy kaming lasing ni Eury

❤️❤️❤️

Luminga ako upang hanapin si Simon, ngunit walang bakas o anino niya sa bawat sasakyan. Alam kong gutom na ako, pero impossible na imahinasyon ko lang siya kanina! O baka nga gutom lang ako at napag-akalaang siya ang nakita ko?

Bumalik ako sa elevator. Pinindot ko ang up button bago tumulala sa kawalan. I heard the sound of it meaning it will open soon.

Damn! Sa Sobrang gutom kung anu-ano na ang nakikita ko. Nagbukas ang pinto. Bumungad sa akin ang magandang babae na kamukha ni Swanda. Great! Maybe this was just part of my hallucination too?

But when her expression changed from flat to surprise, I got alarmed.

"Eury?"

Kung noon ay takot akong makakita ng kakilala, ngayon ay nagbago na. Hindi siya nakagalaw nang bigla ko siyang hinila palabas ng elevator at niyakap ng buong higpit. "This is real. Swanda?"

Humiwalay ako upang matingnan siya ng maayos. I knew her sexy with her big boobs, a little bit stress about it as if she was shy of having it but this time, her chosen of clothes made her elegant, sophisticated, and expensive. Something with air changed, I can't name one but for me, I like her version now!

Nanatili siyang gulat habang tinititigan ako, hanggang sa tumagos sa aking likod ang kanyang atensyon.

Paglingon ko sa tinitingnan niya at walang nakitang kakaiba roon bukod sa mga sasakyan ay muli akong tumingin sa kanya. "Are you with someone?"

"Ha?" Umiling siya. "You are alive!"

I gave her a weird smile. "If you are alone, let's catch up?"

Muli siyang tumingin sa likod, tumango ngunit bakas sa kanyang mata na ayaw niyang sumama. Mukha naman siyang mag-isa, inangkla ko na agad ang kamay ko sa braso niya at hinila pabalik sa Duty-Free.

"I saw a restaurant inside." Pumasok kami sa elevator. Siniko ko siya sa tagiliran. "Nakita ko ang Instagram ni Kailli. Married na siya kay Villareal. Ikaw ba? Kasal ka na?"

Nahihiya siyang ngumiti. "May boyfriend ako."

Muli ko siyang sinundot sa tagiliran. Huminhin siya! Kung sa bagay sa ayos niya ngayon, mukhang nakapagtapos siya sa pag-aaral at successful woman. "He must be a good guy. He changed you... a lot!"

"T-talaga?" Nahihiya niyang inipit sa tainga ang tikwas na buhok, mahinhin na ngumiti.

Hinila ko siya palabas nang magbukas ang pinto. May mga bumati sa aming mga staff nang magdaan kami.

Nanatili ang aking atensyon sa kanyang mamula-mulang pisngi. Kahit sa make-up, mukhang professional na siya sa application dahil mukha iyon natural. "Nag-mature ka rin. Ano kayang ginawa niya? Magaling ba sa kama?"

Naked EyeWhere stories live. Discover now