Twenty Three

149 10 3
                                    

Inaasahan kong pipilitin niyang ipaunawa sa akin na mahal niya ako, pero nalungkot akong hindi ko narinig ang mga iyon sa kanya. Nagbihis ako sa harap niyang wala siyang ginawa para pigilan akong umalis. Hinayaan niya ako.

Pagkalabas ko ng kuwarto doon bumuhos ang walang humpay kong luha. Hindi ko napigilang ilabas ang nadarama ko habang lulan ng elevator. Nang marating noon ang Lobby, kumalma na ako. I saw Chunsa trying to chase me when I stepped out of the elevator but I pretended not to hear her.

My mind was muffled by disappointments and heartbroken that I forgot to call Kailli to pick me up. I plan to get a taxi but I got surprised when our car stopped in front of me. Bumaba ang window ng driver side at mas lalo akong nagulat ng si Simon iyon. Hindi siya nakatingin sa akin, nasa harap lang.

"Get in, Eury."

Panibagong emosyon ang lumukob sa akin. Nang makasakay ay tahimik akong umiyak. Hindi siya nagtanong. Hinayaan niya lang ako hanggang sa makarating kami sa mansyon.

Ilang minuto kami sa loob ng sasakyan.

Nang makita niyang kumalma na ako. Doon niya ako nilingon.

"Bumili ako ng tubig at ice cream."

Napatanga ako. Ano ngayon? I scooted to open the door but he locked it.

"Huwag mong sabihin na haharap ka sa daddy mo na mugto ang mga mata?"

Nakita ko ang tinutukoy niyang ice cream at water. Mabilis kong kinuha iyon. Kinain ko ang ice cream. Ang dalang lamig noon ay kinalma ng husto ang aking sistema. More likely numbing myself to my feelings. It took us more minutes before I finished the one small cup of ice cream. I was drinking the water when Simon turned off the engine.

Madilim sa parking.

Pagkababa ko'y ikinagulat kong bigla siyang sumulpot sa harapan ko. Ilang minuto niya akong tinitigan. Pinahid niya ng daliri ang gilid ng aking mata. Bahagya akong napatalon ngunit agad ding kumalma.

"Gusto mong sumama sa akin na magdilig ng mga halaman?"

I think I forgot how to use my brain. Hindi ko naunawaan ang sinasabi ni Simon. Hindi ako nakasagot. Hinayaan ko siyang hilain ako patungo sa bakuran. Pinapanood ko siyang ayusin ang hose. Napansin kong nahihirapan siyang hilain iyon kaya lumapit ako at tinulungan siya.

Isa-isa naming diniligan ang mga halaman. Tahimik kaming dalawa. Pinapanood ko siya hanggang sa mapansin ko ang bagong halamang hindi ko kilala.

"Ano ito?"

"Orange."

Tumingin ako sa kanya. "Kaya niyan lumaki rito? Magbunga?"

"Hindi ako sigurado. Pero susubukan ko."

Ang dami noon. Sayang lang kung mamamatay. "Sana tumubo silang lahat."

"Okay. Ang magiging bunga niyan, gusto ko ikaw ang unang titikim."

Lumapit ako sa isa. Nag-squat ako upang tingnan maigi ang sanga at dahon nito. Nakakita na ako nito sa Japan, ngunit bonsai type. Magaling mag-alaga ng halaman si Simon, tiwala akong mapapatubo niya ang mga ito. "Sabi mo 'yan, ha. Mahilig pa naman ako sa orange."

"Eury!"

Sabay kaming tumingala ni Simon sa balkunahe sa itaas. Nasa gawi kami ng kuwarto nila Daddy. He was there talking to my Auntie. I didn't notice them being there when we arrive or maybe I was preoccupied and surely didn't see them there.

"Come over here!"

"Yes, Dad."

That night my father informed me about his plan for my little sister. Hindi na babalik sa Australia si Thaysky. Dito na siya mag-aaral kasama ako. Si Auntie Axis ay inaalok ni Auntie Criselda na sumama sa kapatid ko, ngunit hindi pumayag ang una.

Naked EyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon