Thirty-Two

132 15 19
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Swanda didn't attend the class the whole day. I paint ignorance, questions were actually flooding at my head. I am not particular with her camera and the buttons function, but I saw all of her photos. She got the picture of me meeting Simon at the Gallery. I don't want to find it weird but why did she do that?

What for?

Wednesday came. Hindi ulit pumasok si Kailli at Swanda. Pinasuyo ko kay Fred ang bag ni Swanda. Aniya, may sakit si Kailli. Si Swanda naman ay umuwi sa Owl City Main. Tinatawagan ko si Swanda ngunit out of coverage.

"Sabi niya babalik siya sa Friday para manood sa game natin. Ano ba kasing nangyari?" si Kailli na kausap ko mula sa video call.

"Hindi ba't diyan siya natutulog sa inyo, hindi mo ba napapansin ang nasa pulso niya? Hindi ako puwedeng magkamali, laslas ang nakita ko."

Nangunot ang kanyang noo. "Laslas? The red one? Tats 'yon friend."

"Sigurado ka?" Mula sa veranda ay tinatanaw ko ang gate. Hindi pa rin umuuwi si Simon. Nag-aalala ako. Hindi rin siya nag-reply sa mga message ko. Akala ko ba ngayon siya uuwi?

"Bakit naman papatayin ng active sa sex nating kaibigan? Noong Sunday may date iyan. May sumundo na SUV na itim. Iyon din ang sumundo sa kanya rito kahapon."

Na kay Simon ang utak ko. Hindi na inisip ang tungkol pa kay Swanda.

"Maiba tayo, ano palang masasabi mo sa picture ni Simon?"

Mula sa gate ay tuluyan kong hinarap ang aking cellphone. "Anong picture?"

"My gosh! Nag-send ako ng link sa'yo. Tanda mo?"

I remembered the link but I don't remember that it was related to Simon. Nag-back read ako sa usapan namin hanggang sa makita ko ang link. Pinindot ko agad iyon, kinakabahan na sa maaaring makita. Lalo ng malaman na tungkol kay Simon.

Loading pa ang image, ngunit ng makita ko si Simon sa isang front page photos ay parang huminto ang mundo ko. Hindi talaga siya ang highlight ng picture, ang babaeng kasama niya na sa tingin ko ay pino-protektahan niya mula sa mga media— Condessa Carion. The daughter of the Senator Ferdinand Carion got ambushed after attending a private party at Nightingale Palace.

Nangyari ito bago ang araw ng pagkikita namin.

Kung si Condessa ang pakay niya sa tuwing pupunta siya sa Owl City Main, ibig bang sabihin ay tuluyan ng ibinigay ni Daddy ito sa mga Carion? Paano ako?

"Malleury Suniga? Hello?"

I snapped back and stared at Kailli. "Ha?"

"Ang sabi ko, bakit magkasama si Simon at Condessa? Simon looked protecting Condessa. Did you see his attire, he looked different person if I didn't look closely at it, iisipin kong mayamang tao itong si Simon. Siguro mayaman talaga iyan tapos ipinagkasundo sa nag-iisang anak ng Senator. Nagpanggap siyang helper niyo, pero mayaman talaga siya. Tingin mo?"

Naked EyeWhere stories live. Discover now