FOURTY FOUR

91.6K 2K 67
                                    

The Woman I Love


"You still don't trust me, do you?" Bitterness was obvious in his voice. Mababakas din sa kanyang mukha ang pagkadismaya at pagkabigo. He combed his hair using his fingers. How I missed that gestures of his. Whenever he's pissed, annoyed or frustrated, mannerism niya ang ganyang kilos. And he doesn't even aware how sexy he is by doing that.

Umiling ako. "You don't understand Lawrence."

"Then make me understand, Emerald! Why? Why are you refusing my marriage proposal? Ayaw mo ba sa akin? Galit ka pa ba? Or wala ka pa rin bang tiwala sa akin? Mahal kita, mahal mo ako, I don't see any reason why we can't get married. Hindi pa ba sapat ang lahat ng ito? Kung mayroon pa akong hindi napapatunayan sa'yo, tell me para magawan ko ng paraan. If I need to move mountains, I'll do it."

Gusto kong matawa pero pinigilan ko. Kinuha ko ang kanyang kamay at hiniwakang mabuti. "Lawrence, gusto ko pag tinanong mo ako ulit niyan, handa na ako. Wag nating madaliin ang lahat. Ayokong pumalpak na naman tayo this time. Three years ago, masyado tayong nagmadali. Alam mo yun, pagtama pa lamang ng mga mata natin minahal na natin ang isa't isa. At hinayaan nating malunod tayo sa pagmamahal na yun. Hindi natin naisip na maaaring subukin ang pagmamahalan natin, ang relasyon natin. Hindi tayo naging handa. Kaya tignan mo kung saan tayo dinala nun? Tatlong taon tayong nawalay sa piling ng isa't isa. Kung gaano kabalis naging tayo, ganun din kabilis tayong naghiwalay. Gusto ko, ngayon, handa na tayo pareho. Yung kahit anong ibato ng tadhana sa atin para paghiwalayin tayong dalawa, ay hindi natin gagawin. Gusto ko, ngayon, lalaban na tayo ng magkasama. Yung wala ng takot, yung wala ng pangamba. At gusto ko, this time, maging tapat na tayo sa bawat isa. Wala na sanang lihiman pa. Problema mo, problema ko. Laban mo, laban ko. Magkasama tayo palagi. Sa bawat oras, sa lahat ng pagkakataon. Kaya dapat maghinay-hinay muna tayo. Hindi natin kailangang madaliin ang lahat ng ito. Sabi mo nga, mahal mo ako, mahal kita. Sa ngayon, sapat na muna yan na rason para maging tayo." I raised my hands and touched his cheeks tenderly.

He heaved a sigh. "Okay, I get your point baby. I'm sorry kung namadali kita. It's just that, I won't last a day without you, Emerald. I wanna see you everywhere, anywhere, anytime. Gusto ko mukha mo ang nakikita ko before I go to sleep and it's your face I wanna see first thing in the morning. I'm so in love with you, Emerald. Three years living away from you is like living in hell for me. Ang hirap pag minamahal kita sa malayo. Kahit alam ko na maaaring may mahal ka ng iba, deep down in the depths of my heart and soul, I kept hoping that you'd still love me after all the pain I put you through. I love you and I need you like I need air to breathe. I love you with all of me." He confessed.

I bit my lip as I came close to his face. "Kinikilig ako Lawrence, wag kang ganyan baka bigla kitang hilahin papunta sa kwarto ko." I whispered flirtiously.

He chuckled. "Baby, kahit kailan, kahit saan, magsabi ka lang." He grinned mischievously. Ako naman ang napatawa sa sinabi niya.

"Lawrence ha, ilang taon ka na ba? Parang teenager ka ah." I giggled."

"What can I do? I'm irrevocably and insanely inlove with you."

I squirmed at nagpapapadyak. "Sabi ng wag mo akong pinapakilig eh! Kainis naman to!" Nakurot ko tuloy sa tagiliran. Ang landi, kaasar.

Bigla niya akong hinatak at kiniliti sa tagiliran. Buong lakas akong umiwas sa kanya kahit panay ang tawa ko. Napasandal na siya sa barandilya ng terrace dahil sa harutan namin. Pero mayamaya lang, huminto ito at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Pinakamamahal kita Emerald. Words are not enough to describe what I feel for you." He whispered as he leaned his forehead against mine.

Napapikit ako at ngumiti. "I love you too Lawrence. So much. More than you can imagine. Ikaw lang ang minahal ko ng ganito. Kahit anong gawin kong limot sa'yo, ay hindi ko nagawa. Buong pagkatao ko, buong puso ko ay sinisigaw ang pangalan mo. Mahal na mahal kita. Higit pa sa buhay ko."

Lawrence, The Hotelier (Published Under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon