FOURTEEN

101K 2.4K 64
                                    

You Make Me Happy


Nagising ako na maayos ang pakiramdam. Kinapa ko ang gilid ko. Wala akong katabi. Wala na siya. I hugged the pillow that he used. Naamoy ko pa ang mamahalin niyang pabango. A smile formed in my lips. How I love to be in love. Napansin kong may note na kakadikit sa side table. Nag-iwan siya ng sulat.

Baby,

I'll be gone for days. I've a business trip in Hong Kong, then Singapore. Hindi ko na nabanggit sa'yo kasi nawala din sa isip ko. I've been busy worrying about you. You don't have to go to work if hindi mo pa kaya. Ako na bahala sa lahat. I'll call you when I get there. I'll be missing you.

Yours,

Lawrence

Napangiti ako sa sulat niya. Yours......Kinikilig ako.

Since magaan na ang aking pakiramdam at hindi na rin kumikirot ang aking ulo, nagdesisyon akong papasok ngayong araw. Kaya naman na ng katawan ko. I'm more than fine especially Lawrence and I are okay now.

Bumaba ako na nakabihis na at kakain na lamang ng breakfast. Naabutan ko silang lahat sa hapag. Lahat sila ay bumaling sa direksyon ko. They were looking at me as if may tumubong sungay sa ulo ko.

"What?" I asked them, kahit alam kong alam ko na bakit para akong alien kung tignan nila. Patay-malisya akong umupo at kumuha ng tinapay.

"May nangyari na ba sa inyo ng Lawrence na iyon?" Mary asked me na may kalakip na pagdududa.

Muntik pa akong mabilaukan sa sinabi niya. "How did you come up with that idea? Cmon! May sakit ako kahapon. Wag nga kayong malisyoso. He just took care of me last night. Yun lang." Sagot ko. Tumusok ako ng hotdog at kumuha na rin ng fried egg. Mapaparami yata ang pagkain ko ngayon.

"I never thought he would come here to check on you. Nakasalubong namin siya sa daan kagabi sakay ng kotse niya while we were waiting for the jeep. Hinanap ka niya. Sinabi naman namin ang kalagayan mo. Pero hindi ko akalain na pupuntahan ka talaga niya dito. Isn't he romantic?" Jaze said, hindi mapalis-palis ang ngisi sa labi.

"Oh. Now that answers my question kung paano niya nalaman na nagkasakit ako. Nagulat din ako. Nagising na lang ako na nasa tabi ko na siya." I replied without glancing at them. Hindi lang gulat ang naramdaman ko kagabi. Sobrang lakas nga ng pintig ng puso ko na akala ko hindi na ako makahinga. He's the only person that I know who can give me goosebumps. I sighed.

"You look good together. Naabutan namin kayong dalawa na tulog at, take note, magkayakap. As in sobrang yakap. Sana pala pinicturan namin yun kagabi. Kinikilig ako sa inyo, grabe. Ang gwapo niya Emz! Kahit tulog sobrang gwapo!" eksaheradang sambit ni Aireen.

"Alam ko, alam ko." I pouted. So, he really did sleep here after all. Akala ko ay hinintay lang ako nitong makatulog tapos ay aalis na ito.

"Nakapag-usap ba kayo ng masinsinan? Ano napag-usapan nyo?" Tanong ni Mary na ikinatahimik ng lahat. The anticipation is obvious on their faces.

I sighed. "We decided to give it a try. He promised to adjust, and I to him Pinaliwanag ko sa kanya ang gusto kong mangyari. Naiintindihan niya ang punto ko. Na hindi ko kayang makipagsabayan sa mga gusto niya. Sa klase ng relasyon na alam niya. I'm just glad he finally understood me at iginagalang niya iyon. I know I am taking a risk, but Lawrence dela Vega is a kind of risk that is worth taking. At isa pa, I told him na maging discreet muna. Na itago muna sa lahat ang kung ano ang meron kami. Bukod pa against ito sa rules ng hotel, I know people will judge and criticize me for sure. I hope guys, atin atin na lang muna ito ha." I looked at them hoping they will understand.

Lawrence, The Hotelier (Published Under POP FICTION)Where stories live. Discover now