TWELVE

96.2K 2.6K 43
                                    

Sick

Nakatihaya lamang ako at tinitigan ang kisame. Kanina pa ako gising pero hindi ko magawang bumangon dahil mabigat ang aking pakiramdam. Nilalagnat ba ako? O dahil lamang ba ito sa nangyari kagabi? Nakatulugan ko na kasi ang pag-iisip at pag-iyak dahil sa kanya.

I am disappointed with myself. Sinong mag-aakala na magkakaganito pala ako kapag nagkagusto sa isang lalake? Nasaan na ang pader na tinatag ko para hindi umabot sa ganito?

Humugot ako ng isang malalim na hininga. Bakit ganun? Wala pa nga kaming nauumpisahan pero nasasaktan na ako. Tama ba ito? Tama. Tama lang siguro ang nangyari kagabi. Pero hindi ko maiwasang masaktan at manghinayang. Nanghihinayang ako sa nararamdaman ko sa kanya. Siguro ay masyado pang maaga para sabihing mahal ko na siya pero yun talaga ang nararamdaman ko. Never in my life did I have this kind of feeling. It's a lot deeper kumpara sa mga simpleng pagkagusto ko lang sa ibang crush celebrities ko. Malayo ito sa paghanga lang. Mahirap intindihin.

You are special to me....

Special? Masaya na ako doon e. Kahit special lang. Dahil pwede namang maging love ang special pagdating ng panahon. But why can't he see na hindi madali sa akin ang lahat. Gusto ko lang maghinay hinay. One step at a time. Pero tama nga siguro siya. Gusto kong suyuin niya ako at ligawan. I deserve that, don't I? But it isn't his thing, just like what he said.

Masakit. Kasi wala akong pinagkaiba sa mga babae niya kung ganun. He will be going to treat me the way he treated his flings. But I'm no fling. I will not let that happen to myself.

Special my ass.

Nahinto ang pagmuni-muni ko nang may kumatok sa pinto. Sumilip ang ulo ni Mary.

"Hey, tinanghali ka na. Tara na at sabay na tayong lahat mag breakfast." Lumapit siya sa akin at naupo sa gilid ng kama.

"Did you cry last night? Namumugto mga mata mo. Care to tell me?" Dugtong pa niya habang nakamata sa akin.

Umayos ako ng upo at sinandal ang likod sa headboard ng kama.

"I'm fine. Medyo masama lang pakiramdam ko." I looked at her and smiled.

"Emz, don't lost me. You are not answering my question." She looked at me sternly, trying to find the truth in my eyes.

"Hindi ako umiyak, okay. I told you masama lang pakiramdam ko." I told her at mas nilawakan pa ang ngisi. Baka sakali ma-convince ko siya.

She rolled her eyes at me at sinalat ang aking noo.

"Whatever, pero may lagnat ka nga. C'mon, freshen up. Hihintayin kita. Sabay na tayong bumaba. Para makainom ka na rin ng gamot." She reached and grabbed my arm at inalalayang makabangon. Medyo nahihilo nga ako kaya nagpatulong na rin ako sa kanya.

Matapos kong maghilamos at mag-toothbrush, naabutan ko pa rin si Mary na nakaabang sa akin. She was sitting at the end of my bed. Umiiling ako pero inabot ko siya at niyakap. "I'm so glad you're my friend." I whispered. Nag-init ang mata ko. Why am I getting emotional wreck all of a sudden? God, I'm pathetic.

Hinimas ni Mary ang aking likod. "There. There. Why is our leader being like this? But it's okay, Emz. You will be okay. We are just here for you. Always."

I smiled and nodded. Same here.

Pagkababa namin, naabutan namin ang iba na kumakain na.

"Kakaumpisa lang namin. Tagal nyo eh." Wika ni Jaze.

"Oh Emz, anyare sa'yo? May sakit ka ba? Ang putla mo ah." Puna rin ni Lizette. Tumayo si Aireen at ipinaghila ako ng upuan. Umupo na rin si MarY sa pwesto niya.

Lawrence, The Hotelier (Published Under POP FICTION)Where stories live. Discover now