THIRTY SIX

97.6K 2.3K 89
                                    

Bossy


Nakakabagot ang linggo na ito. Wala si Edward at umuwi sa pamilya niya kagabi pa lamang. Hindi na siya nakisabay pa sa bonding naming magkakaibigan dahil biglaan siyang pinauwi. Nalaman na kasi ng magulang niya na andito na siya sa Pinas. Edward's family belong to an upper class in the society. Kilala sila sa Davao dahil sa pagiging negosyante ng pamilya nito. Their business is into clothing line. He doesn't want to be engaged in that business because he wanted to work independently. At gusto niya sa hotels magtrabaho kaya nagtatampo ang pamilya niya. Pinipressure siyang pamunuan ang kanilang business empire since he's an only heir. Kaya napilitan itong mangibang-bansa.

Edward is homosexual. One of the reasons why he needed to leave this country too, away from his family. Dahil ayaw niyang malagay sa eskandalo ang mga magulang. And yes, we are not having an intimate relationship. We are the best of friends. Isa siya sa mga taong tumulong sa akin sa Hong Kong. Siya ang naggabay sa akin sa trabaho at sa mga issues ko sa buhay. He knew my love story and somehow, hindi ko siya masisisi kung bakit galit din ito kay Lawrence. He witnessed how wrecked and broken I was before. Yung bigla na lamang hahagulhol pag sumisingit si Lawrence sa isip ko at pag naaalala ko ang isa pang mapait na kaganapan sa buhay ko.

He's always there for me. He never leave my side, not even once.

At malaki ang utang na loob ko sa kanya. He's my strength and my energy. Nililibang niya ako pag nalulungkot ako.

He's a bonafide gay and the epitome of class. Siya yung lalaking-lalake tignan sa panlabas. He hates make-up. He appreciates woman's and man's beauty. But he prefers a man in his life.

People thought that we are an item. Well, we let them think that way because many women are swooning before him. Maraming nababaliw sa kanya at para matapos ang kabaliwan nila, nagpapanggap kaming kami sa harap ng mga tao. My family knew the truth about us. We've been doing that since time immemorial. And "Honey" is really our endearment ever since we became friends. And I always thank God for giving me a friend like Edward. I'm very blessed with good friends.

Nagbihis ako at naisipang mag mall na lamang. Alas dos na ng hapon, tiyak akong maraming tao ngayon dahil linggo. Kakain na lamang ako ng tanghalian sa restaurant saka ako titingin-tingin ng mga magugustuhan ko. Tamad akong magluto at kumukulo na rin ang sikmura ko. Pinili kong suotin ang paborito kong skinny jeans and white hanging blouse. Tenernuhan ko ng white wedge sandals.

Agad akong bumaba ng building at naghihintay ng taxi. Nakalimutan kong sabihan ang guard na itawag ako ng taxi kanina. Pero okay lang naman, hindi naman masyadong matrapik ngayon dahil patay ang oras.

Binubutbot ko ang aking cellphone dahil aayain kong magkita kami nila Marj sa mall mamaya kung hindi sila busy. Napaangat ako ng tingin nang may humintong Audi R-8 sa harap ko. The sleek blue sporty car is really a fascination at lahat ng tao ay napapalingon sa kotse. Well, it's one of the expensive cars in the world. At bihira lamang ay may ganitong sasakyan sa Pinas.

Bumaba ang naka wayfarer na si Lawrence mula dito. Naka black t-shirt lamang ito at naka faded jeans. Kulay puti naman ang kanyang rubber shoes.

Ngumuso ako para hindi malaglag ang aking panga. Shit! Kung bakit naman kasi ang gwapo at ang kisig ng bwisit na ito! Tss! Okay, mag hunus-dili ka, at ito na ang lalake, papalapit na sa kinatatayuan mo.

"Going somewhere, Miss?" hinihimas nito ang baba at kumagat-labi.

"Obvious ba?" pabulong kong sagot na hindi tumitingin sa kanya. Nako-concious kasi ako, dahil kahit naka wayfarer ito, ay ramdam ko ang intensidad ng titig nito sa akin.

"Hop in. Ihahatid kita, or rather sasamahan na lamang kita. Naka jeans ka nga, ang iksi naman ng blouse mo. Kita ko ang puson mong nakalitaw. Tss." wika nito na tumalikod sa akin papuntang sasakyan.

Lawrence, The Hotelier (Published Under POP FICTION)Where stories live. Discover now