THIRTY NINE

93.4K 2.3K 153
                                    

Baby

"Emerald maniwala ka sa akin, hindi kita kayang saktan. Lahat ng iyon ay palabas lamang." patuloy na kwento ni Lawrence.

Umiling ako. "Bakit pakiramdam ko totoo ang lahat ng iyon? Lahat ng sinabi mo sa akin noon, lahat ng rason na binigay mo sa akin kaya inayawan mo na ako."

"Because I need to pretend that it's all true. I have to. I need to. Ayaw kong masira ang plano ko para hulihin ang taong nagbanta sa buhay ko at sa buhay mo." sagot niya. Nakakapanghina ang mga pinag-uusapan namin ngayon. Wala sa sariling naupo ako sa single bench na naroon.

Kumilos si Lawrence at tumabi sa akin, holding and pressing my hands at the same time.

"Sobra-sobra ang takot ko Emerald na baka may mangyaring masama sa'yo. Yeah, I have all the money and power to protect you, and I swear to God I'll protect you with all of me but still, natatakot pa rin akong ipagsapalaran ang buhay mo at buhay ng pamilya mo. Alam ko ang pakiramdam ng mawalan ng minamahal Emerald, at kung may mangyaring masama sayo... God, ikamamatay ko. Because the moment you walk into my life, that's the moment I start living. And If I lost you just like how I lost my parents, baka hindi na rin ako humihinga ngayon." lumapit ito sa akin at hinalikan ang aking noo.

"Who is the person behind this Lawrence?" I asked.

He sighed at umayos ng upo. "Kathy is a psychopath. She's obsessed with me. She did all the death threats when we were together."

Napasinghap ako at napatakip sa bibig.

"What?!" I was shocked by his statement.

"Yes. Kaya kailangan kong gawin ang ginawa ko noon. She came from an elite clan in the Philippines. Hindi siya madaling kalabanin. So I need to pretend that I was inlove with her too. I even asked her to get married." dugtong nito.

Yeah I remembered the invitation letter.

"It's all my fault. I played and screwed girls before when I haven't met you yet. At wala akong ibang sisisihin sa lahat ng ito kung hindi ang sarili ko lamang. You can blame me all you want baby, but I will trade everything, anything, for your safety. I am even willing to offer my soul to the devil, just to keep you safe." pinagsalikop nito ang mga kamay at tumungo.

Namamanhid ang buong pagkatao ko. Hindi ko na alam kung anong dapat kung paniwalaan. Sumasakit ang dibdib ko sa deklarasyon niya.

"Lawrence, you could have trusted me. If only you trusted me, hindi sana natin pagdadaanan ang lahat ng ito." God! Kung sana inamin niya sa akin ang lahat ng ito sa umpisa pa lang!

"Emerald you have to understand me. Hindi kita kayang ipagsapalaran. That's the only way I could think will work para hindi ka madamay!" medyo tumaas ang boses nito.

"So you rather choose to break my heart? Is that it? Yun ba talaga ang pinakamainam na desisyon Lawrence? Sana nagtiwala ka sa akin! Kaya ko namang magpanggap at gawin kung anuman ang makakabuti sa lahat. Kaya ko namang lumayo sa'yo at kaya ko naman na hindi tayo magkita ng ilang buwan kung gugustuhin mo. Maiintindihan ko Lawrence! I will understand everything! But you decide for yourself! You know what you did? You were being selfish! You are just protecting yourself! Because if you really care about me, hindi mo sana ako sinaktan!" napatayo ako at dinuro ko siya.

Hinihilot nito ang noo and I saw his jaw clenched. "Emerald, kung hindi kita sinaktan, lalayuan mo ba ako? Di ba hindi? If I didn't hurt you that much, do you think I can survive being without you knowing that you are still there, hopelessly waiting for me? I know you, you know me. Alam kong gagawa at gagawa tayo ng paraan para magkita at maipadama sa isa't isa how much we love each other. Mas lalo lamang akong mahihirapan Emerald. Mawawalan ng saysay ang lahat ng pagpapanggap ko. Mas magkakaroon siya ng idea na tayo pa rin at niloloko ko lamang siya. Mas lalo lamang lalaki ang chance na sasaktan ka niya! Do you get my point, baby?" he said desperately. Tumayo ito at akmang lalapit sa akin pero umatras ako.

Lawrence, The Hotelier (Published Under POP FICTION)Where stories live. Discover now