TEN

94.6K 2.6K 65
                                    

Kiss


Pagdating ko sa powder room, agad na binati ako ng mga tao sa loob. They said they were impressed and that I was amazing. Nahihiyang nginitian ko sila bilang pasasalamat sa umuulang papuri na sa tingin ko naman ay hindi na kailangan. I mean, basta ngitian mo lang ako, sapat na sa akin. No words needed.

Nang mapag-isa, nanghihina akong sumandal sa sink. Ang mga kamay ko ay nakatukod sa magkabilang gilid ko at saka ako napayuko. I could still feel the wild beating of my heart. I kept on inhaling and exhaling, trying to catch my breath to calm my wild heart. Why is it like this? Is it because of Lawrence's presence? His intense stare? His hypnotizing gaze? Or is because my system has finally accepted what my heart feels?

I snapped my head sideways and rotated both my arms. Tapos ay pinaikot-ikot ko rin ang aking balakang. Yes, I looked crazy because who the hell would do stretching inside the powder room? Just me. But I have the need to do this to shake off the nervousness that is still present in my system. Pakiramdam ko kasi pati mga kalamnan at kasu-kasuan ko ay nanigas sa kaba kanina. I badly needed a massage.

Weirdly, kumalma ang sistema ko at nakakahinga na ako ng maluwag. I think the quick exercise was a great help. I decided to retouch at magsuklay na rin ng buhok na nagulo dahil sa sandaling stretching na yun. Ilang minuto ang aking pinalipas saka ako nagdesisyon na lumabas. Magpapaalam ako sa mga kaibigan ko na mauna na ako sa aming apartment. Wala rin naman talaga akong balak na tapusin ang party sa umpisa pa lang.

Paglabas ko sa pinto ay ganun na lamang ang gulat ko nang masumpungan ko si Sir Lawrence na nakaabang. Nagtama agad ang aming mga mata. He was leaning against the wall while both hands were shoved in the front pockets of his pants. His eyes bore into mine at agad na nagsitayuan ang balahibo sa aking batok. Damn those eyes! Para akong malulunod sa mga titig niya na iyon. His eyes were hypnotizing me. At ang kaba na akala ko ay wala na, unti-unti na namang bumabangon. My heart was thumping eratically against my ribcage. Kung palaging ganito ang magiging reaksyon ko ay tiyak akong mamamatay ako ng maaga dahil sa sakit sa puso.

"Can I have you for a moment? I just badly want to talk to you." His voice was hoarse, almost a whisper.

Ano ang kailangan niya sa akin at gusto akong kausapin?

"We are actually talking, Sir. In case you are not aware." I answered him sarcastically. Hindi ko maaaring ipagkanulo ang aking sarili. I need to get hold of myself.

"Drop the sarcasm, young lady. I want to talk to you in private. Pero kung gusto mo dito, I don't mind at all. Ang akin lang ay baka may makakita sa atin dito, it would be a headline tomorrow. There are media outlets invited for this event in case you are not aware..." Nakataas ang kilay nito while he was grinning at me mischievously. So, you find this funny, huh?

Huminga ako ng malalim. Siguro nga ay makakabuti kung mag-usap kami. Maybe if I know something evil about him, I can use it for myself para layuan siya. Makakatulong iyon upang mabawasan ang pahanga ko sa kanya hanggang sa tuluyang maglaho ang nararamdaman ko para dito.

"Okay Sir. Whatever you want. Even though I don't have a slightest idea what you actually want from me." Nakatungo ako at sa dibdib niya nakatingin.

"Come with me." Hinawakan nito ang braso ko at marahang hinila paalis sa lugar na iyon. Dahil hindi kabisado ang pasikot-sikot sa hotel, tahamik na sumabay na lamang ako sa kanya. Sa pinakamadilim na parte kami dumaan para hindi kami mapansin. Oh! But I doubt kung mapapansin ba kami. Kanina ay nasulyapan ko ang dancefloor na puno ng mga tao. Nagsimula na ang sayawan habang tumutugtog ang banda.

Hindi ko alam kung saang bahagi na kami ng hotel. Basta ang alam ko, may nilabasan kaming mga pinto. Dumaan kami sa fire exit paakyat. Pagkalabas namin sa exit door ay napag-alaman ko na nasa hallway na kami ng first floor. Nalula ako sa ganda ng hallway. Sa mga attractive lamps sa bawat gilid. Sa malambot ng carpeted floor. Sa nagkikintabang mga pinto.

Lawrence, The Hotelier (Published Under POP FICTION)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin