FOUR

99K 2.3K 44
                                    

Orientation 


Seven-thirty in the morning at dito na kami sa labas ng hotel. Napatingala ako at inaabot ang dulong tuktok ng hotel. Exterior design pa lang nito ay makalaglag panga na. We walked towards the employee's gate. Sa bandang gilid ito ng hotel. Meanwhile, the executives and bosses are using the main entrance of the hotel. Hindi na dapat pang ipagtaka ang bagay na yun.

Hila-hila pa namin ang aming luggages nang makarating kami sa guard house. Hiningi ni Manong guard ang identification cards namin. Pagkatapos ay iniwan namin sa kanya ang aming luggages bago kami umakyat sa hagdan patungo sa receiving room ng mga intern.

"Good morning Maam. We are from St. Bernadeth Academy. We are scheduled for orientation today." Magiliw na sabi ko sa ladyguard na naka-assign doon. Tumango ito at tinignan ang form na galing sa school namin. Habang busy ito sa pagsulat ng mga pangalan namin sa logbook, I kept myself busy from looking around.

Una ko agad napansin ay ang amoy ng loob ng maliit ng receiving area na iyon. Mabango at amoy mamahahalin, amoy malinis at hindi masakit sa ilong. Kasing bango ng room namin sa hotel na tinulugan namin kagabi. And to think na receiving area lang ito, paano na kaya pag nasa main lobby na kami ng hotel? Napansin ko ang isang pinto na may nakalagay na Timekeeper. Sa bandang kaliwa naman ang Human Resources Management.

"Umupo na lang muna kayo diyan sa couch. Pakihintay nalang din si Ms. Babes. Siya ang secretary ng Human Rerources. Siya ang mag-aasikaso sa inyo. May paparating din na ibang grupo galing sa ibang schools. Sabay-sabay na kayong lahat para sa orientation. Medyo napaaga kayo. May washroom sa unahan kung gusto nyo maghilamos at mag-ayos."

Tiningnan namin ang aming mga sarili. Medyo magulo na rin ang aming ayos dahil sa paghila ng aming luggage mula sa main road. Malayo-layo rin kasi ang lalakarin mula sa doon papunta sa employee's gate. Tagaktak na rin ang aming pawis.

"Jaze, okay lang kung maiwan ka muna at para may magbantay ng backpacks natin? Aayusin lang namin ang aming mukha." Si Mary.

Natawa ako. "May problema ba sa mukha natin at dapat ayusin?"

"Sa'yo di mo kailangan, pero kami kailangang-kailangan namin." Aireen was pouting at me. Humagikhik si Jaze at inakbayan ang babae. "Cute ka pa rin naman girl, kahit gulo-gulo na yang buhok mo."

"Sana all may 'Jaze' na taga-boost ng confidence." Si Lizette na nakataas ang kilay, inaayos ang eyeglasses na natabingi.

Umirap si Aireen at binigay ang backpack nito kay Jaze. "Hindi kami magtatagal. Huwag kang manlalake, ha." She literally glared at him. Umiiling na natatawa na lamang kami ni Mary. I don't understand this two, really. First minute they're acting like best friends, the next minute they're on each other's throats. That's how besties act towards each other, maybe?

We were wearing our OJT uniform. White long sleeve with collar na tinupi hanggang siko. Naka tuck-in sa black slacks ang laylayan nito. We were obliged to wear 3-inch black closed shoes. Ofcourse, Jaze wore the same but with masculinity and minus the girly shoes. Alangan naman kasi magpa-girl siya dito. I liked the simplicity of our OJT uniform. Once we're done fixing our hair, we applied light make-up.

Pagbalik namin sa receiving area, we were surprised to see unfamiliar faces. They're probably the students from different schools. Humigit kumulang mga bente lahat ang bilang ng tao dito, including us. Napatingin sila sa direksyon namin. May ibang sumulyap lang at dedma. May ibang sinusuri kami mula ulo hanggang paa. Ang mga lalake ay napatikhim at pinasadahan ako ng tingin. Nagsikuhan ang ang mga ito at yumuko nang pinagtaasan ko sila ng kilay. I wanted to roll my eyes, but I just gave them my friendly smile. I hope there are no assholes in here.

Lawrence, The Hotelier (Published Under POP FICTION)Where stories live. Discover now