FOURTY FIVE

107K 2.3K 160
                                    

Wakas

Isang linggo mula nang mangyari ang insidenteng yun ay tila nagbago na ang lahat. Kasama sa pagbabagong yun ay ang pakikitungo ng mga empleaydo sa akin. At hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa o ikalungkot ito. May ibang nagtaas ng kilay, ang iba ay mas naging mabait pa sa akin at ang karamihan ay tila nagpapanggap lamang na walang alam.

"Lalim ng iniisip natin ha, Emz." Untag sa akin ni ate Love.

I sighed. "Hindi ko alam kung anong iisipin, sa totoo lang ate Love. Naiinis ako na naasar na ewan." Pasimangot na wika ko.

Tumawa naman si ate Vanz na nakikinig lang sa amin. "Hay nako, baka iba na yan ha. Sobrang in love ka kasi kaya ka ganyan. Ang blooming mo pati. Natural lang na makaramdam ka ng ganyan Emz. Ikaw ba naman, boyfriend ang isa sa pinaka powerful na bachelors sa Pilipinas, talagang nakakastress nga yan." Bungisngis nito na mas lalong ikinasimangot ko.

"Grabe pala ang pinagdaanan nyo, noh. Hindi yun madali ha. Pero mas namangha ako dahil naitago mo sa amin yun? I mean, blind kami na may namamagitan na pala sa inyo ni GM Lawrence." Si ate Love na umikot sa kabila para kumuha ng file. Kasalukuyan akong nasa Front Desk dahil nag AWOL ang isa nilang kasamahan dito.

"Ibig sabihin lang nun mga ate, magaling ako magtago ng sikreto." Tawa ko. Naikwento ko na kasi sa kanila ang nangyari noon, minus the lovemaking part at ang pagbubuntis. Those were some things which meant to be for keeps.

"But yeah, love indeed conquers all. Akalain mo yun, after all the pain, all the sacrifices, all the sufferings, kayo pa rin sa huli. Pag-ibig nga naman talaga. Kung kayo, kayo talaga at walang kahit na ano o sino ang makakapigil pa." Ani ni ate Vanz na nakatingin sa malayo at parang nananaginip nang gising.

Natatawa lamang na pinagmasdan namin siya ni ate Love. Mayamaya ay nagring ang desk phone. Inangat ito ni ate Love and she greeted politely sa tumawag. Pero nanlaki ang mata nito at nagtakip ng bibig. Kumunot ang noo ko. Tinignan niya ako at ibinigay ang wireless phone.

"Hello?" Alanganing sambit ko.

"Pwede ko bang malaman kung ano ang pinagkakatuwaan niyo dyan, baby? You've been grinning from ear to ear and I can't help but to feel bothered. I hope ako ang rason ng pagngiti at pagtawa mo? At hindi ibang bagay?" He spoke huskily over the phone.

"Lawrence? Napatawag ka? I thought may meeting ka today and how did you know what I'm exactly doing here?" Nagtataka kong sagot sa kanya.

"Bakit nga kako kayo tumatawa na tatlo dyan. Para kayong kinikilig. Sino ba pinag-uusapan nyo? Artista? Boys? Tss." He scoffed.

I raised an eyebrow. "Kung sasabihin ko bang ikaw ay titigil ka na sa pagtatanong? Pinag-uusapan lang namin ang mga kaganapan sa ating dalawa."

"Thank God. Akala ko may ibang boys ang nagpapangisi sa'yo. Ako pala. Magseselos na sana ako." He chuckled, and I just rolled my eyes upward.

"Oh baby, I love it when you're rolling your eyes at me." Ramdam ko ang pagngisi pa nito. I frowned.

"Look up to the camera wave at me, baby." He chuckled. Agad akong nag-angat ng tingin at napansin ang lahat ng CCTV cameras na nakatutok sa direksyon ko! Oh, my god.

"You've been watching me?" I asked furiously.

"Baby, I've been watching you way up here since the first time I saw you." He chuckled again. Oh gosh! That answers my question kung bakit may panahong dito nakatutok ang CCTV noon! Loko talaga!

"Wag kang tumawa dahil walang nakakatawa!" Binagsakan ko nga ng telepono. Ang bilis mag init ng ulo ko lately. Ang bilis kong mairita. Hindi ko maipaliwanag. At nabubuwisit ako sa kanya. Kanina lang namimiss ko siya pero ngayon ayoko siyang makita. Nalaglag ang panga nila ate Love at ate Vanz sa ginawa ko.

Lawrence, The Hotelier (Published Under POP FICTION)Where stories live. Discover now