SEVENTEEN

100K 2.4K 49
                                    

Please listen to the song while reading. I just want to share all of you one of my fave song from Christopher Cross. Enjoy reading! :-*

No One

Every night dumadalaw sa apartment namin si Lawrence. Hindi naman kasi kami pwede mag-usap at maglambingan sa hotel. Palagi rin naman siyang busy kaya madalas ay sa phone na lang kami nagkakamustahan. Pero very discreet pa rin ang pagpunta niya dito. Lagi siyang nakasuot ng sweatshirt with hoodie para matakpan ang kanyang mukha. Gabing gabi na rin siya kung dumarating. Bago mag alas-dose nandito na siya sa bahay at ako naman ay nag-aabang palagi sa kanya. May susi naman siya kaya hindi ko na siya kailangan pang pagbuksan ng pinto.

Nanonood ako ng T.V habang nagkakape. Paborito ko talaga ang kape. I glanced at the wall clock and it read fifteen minutes past eleven. Nasa kani-kanilang kwarto na rin ang mga kaibigan ko. Tulog na tiyak mga yun. I sighed. Kahit papano hindi sila tutol sa ganitong set-up namin ni Lawrence pero alam kong may pagdududa pa rin sila. Pero alam ko rin na may tiwala sila sa akin kaya siguro panatag na rin sila at hindi na ako pinuputakte ng mga tanong. Ang mahalaga lang daw ay masaya ako ngayon.

Happy. Yeah, I've never been this happy. I've never been this so in love. Kahit sila ate Love ay napapansin ang magandang aura ko. At kung bakit daw namumula ang pisngi ko palagi. Oh! I can't help it! Whenever I think about the intimacy that we always shared I can't help myself from blushing. Kahit pa hindi lumalampas sa yakap at halik ang ginagawa namin ay sobrang kaligayahan na ang nadarama ko.

Napalingon ako sa pinto ng bumukas ito. Pumasok si Lawrence na may bitbit na pizza box. Hindi pa daw siya kumakain kaya sabi ko sasabayan ko na lang siya. Napangiti ako at tumayo para salubungin siya.

Walang pagalinlangang hinagis ko ang sarili ko sa kanya. Sa lakas ng impact nabitawan niya ang dala niya at humalakhak.

"Oh my! My baby is craving for me, huh!?" He smirked at pinaliguan ako ng halik sa buong mukha. Ang mga braso niya ay nakapulupot sa aking bewang kaya hindi ko magawang makailag. Impit na tili lamang ang nagawa ko at baka magising namin ang mga kaibigan ko.

"Oh my! My baby is craving for me too!" I giggled while saying that. He abruptly stopped that made me frown. Pinilit kong hulihin ang kanyang mga titig pero umiilag ito. Pasekreto akong ngumisi.

"What's with that look? At bakit ka namumula?" I asked him, trying my hardest not to grin like a fool.

"This is the first time you call me that." His smiles widen at kita ko rin ang pagkislap ng kanyang mga mata sa gitna ng dilim. Napahalakhak agad ako sa ginawi niya.

"Kinikilig ka?" I teased him. Niyakap ko ulit ang mga braso ko sa leeg niya. Hindi ko siya lulubayan hanggat hindi ko siya mapapaamin.

"No. No way." Kumunot ang noo niya.

"Weeehh....halata namang kinikilig ka eh. Aminin mo na kasi..." Sinusundot ko pa ang tagiliran niya.

"Hindi nga sabi eh. Natuwa lang ako, yun lang yun." Inirapan pa niya ako pagkasabi niya nun.

Aba't! Nang iirap pa to!

"Aminin mo na kasi baby! Kinikilig ka sa akin noh? Love mo na ako noh?!" I was still teasing him not realizing what I was saying.

Tumikhim siya at umilap ang mga mata. Oh please! Emz! You and your goddamn mouth! Do not spoil the moment! You know exactly that love doesn't exist in his vocabulary!

Tumikhim din ako at pinulot ang pizza box sa sahig. Nilingon ko siya at nginitian.

"Tara na sa kitchen?" Aya ko sa kanya. Namungay ang kanyang mga mata na para bang nanghihingi ng despensa. It's okay baby. I know that one day when you wake up, you'll realize that you are in love with me hopelessly just like how I am to you. I smiled secretly with the thought. Yeah, someday.

Lawrence, The Hotelier (Published Under POP FICTION)Där berättelser lever. Upptäck nu