FIVE

100K 2.8K 84
                                    

Your Smile

I've checked myself in front of the mirror for the nth time. I wasn't really comfortable with the uniform I was wearing. Hindi naman kami na-inform na hindi pala OJT uniform from our school ang isusuot namin while working. Kung alam lang namin, hindi n asana kami gumastos pa doon.

Sinipat ko ulit ang aking sarili. My upper was a white blouse na may red scarf sa leeg na pinatungan ng dark gray blazer. Ang lower ay dark gray pencil cut na hanggang gitna lang ng hita ko ang haba. I was also wearing a flimsy black stocking and a pair of 3-inch black shoes. I felt too exposed, but I was left with no choice. Tinaas ko ang buhok ko in a bun style at nag apply din ng medyo heavy make-up. Required daw kasi yun. Kahapon lang din inabot sa akin ang uniform na para sa Front Desk and thank God kasya ito kahit ba tingin ko ay medyo kapos sa akin. Bumaba na ako para puntahan sila sa sala.

Sabay-sabay pa silang pumito nang makita nila akong pababa ng hagdan. "Graveehhh nakaka-insecure ang ganda mo, Emz. You are smoking hot! Lutang na lutang ang pagiging mestiza mo. Naku! Mukhang magkakagulo sa lobby mamaya. Baka mapagkamalan kang artista." Si Jaze na nakasuot na ng kanyang kitchen attire. Lumapit pa ito sa akin para ayusin ang scarf ko.

"Tigilan mo ako Jaze at buwisit ako sa itsura ko ngayon. Masyado ata akong exposed eh. Napaka-iksi naman ng palda na ito!" Hinihila ko pa ang laylayan nito pababa. Napasimangot ako.

"Sis naman, what's wrong with that? May ipagmamalaki ka naman eh. You should be proud of it, you know." Si Aireen habang humihigop ng kape nya.

"At hindi siya maiksi, sadyang mahahaba lang talaga yang biyas mo. Ang perfect mo sa totoo lang at walang halong biro." I pouted at Mary. Sa aming lahat ay siya ang pinaka-prangka. And since sa kanya na mismo nanggaling, tatahimik nalang ako. Baka mamaya maasar ito sa akin dahil sa kakareklamo ko.

Sabay-sabay na kami nag-breakfast at kahit wala ako sa mood ay magana pa rin akong kumain. Kailangan ko ng energy ngayong araw dahil sigurado akong mapapasabak ako sa trabaho. "Bilisan na natin ang mga kilos natin at baka ma-late tayo." Si Mary ulit.

"Ang epic kung malate tayo gayung nasa harap lang natin ang hotel. Hahahaha!" Tawa ni Lizette na sinabayan namin. Nakakatawa naman talaga ma-late sa trabaho mo kung nasa harap lang naman ito ng tinitirhan mo. Pero ang totoo ay isa ito sa ipinagbabawal ng management; ang ma-late kami. Sabay-sabay na kaming umalis ng apartment namin. Ang susi ay na kay Mary dahil sa aming lima, siya ang hindi makakalimutin.

Hanggang ngayon napapatanga pa rin ako sa kagandahan ng lobby. Beautiful is understatement. It's beyond that. Pinaghalong mediterranian style at Spanish era ang design ng buong paligid. May naglalakihang mga painting sa bawat sulok na gawa ng mga kilalang pintor sa buong mundo. Binubuo ang paligid ng kulay ginto, brown at puti. Ang mga chandeliers ay halatang mamahalin rin. Entrance hall pa lang at ang buong lobby ay umaabot na ng milyon milyon ang tantiya kong kantidad.

Napag-usapan naming magkakaibigan na sabay na kaming mag lunch. Isang oras na lang, lunch break na. Konting tiis pa Emz. Bulong ko sa sarili ko. So far naman naging maayos ang aking trabaho dito sa reception area. Mababait naman ang dalawang regular receptionists na siyang naatasan para maging guide ko dito. Hindi lang talaga ako komportable sa mga tingin ng bellmen at mga guests na lalaki na tumatambay sa lobby. Pag wala silang ginagawa ay nagbubulungan pa ang mga ito at gumagawi ang paningin sa aming pwesto.

At ito na nga, may lumapit na bellman sa counter namin. Hindi ko ito napansin kahapon. Siguro ay day-off niya.

"Hi Love! Hi Vanz! Maari ba akong magpakilala sa isang napakagandang binibini dito?" Wari nung lalake. Gwapo siya at halatang may dugong banyaga. Kulay asul ang kanyang mga mata at matangkad siya sa pangkaraniwan. Pero mukha siyang playboy at halatang sanay umuto ng babae. His sly smile makes me think that he's pro in flirting.

Lawrence, The Hotelier (Published Under POP FICTION)Where stories live. Discover now