SIXTEEN

93.5K 2.3K 76
                                    

"Good evening Sir!" Sabay na sambit ng mga kaibigan ko.

Kunot ang noo nito bago lumingon sa wall clock.

"Good MORNING too." Malamig na wika niya, emphasizing the word 'morning'.

Sinisiko ako ng mga kaibigan ko at nagtinginan sa isa't isa. Kumagat labi ako. Ramdam ko ang tensyon at nerbyos nila. This is really embarrassing.

"Sorry Sir." They said.

Tumikhim si Lawrence. "You know you have work tomorrow, bakit kayo umuuwi ng ganitong oras." He shook his head in dismay.

"Hindi na po mauulit, Sir." Si Jaze.

"Ahm, magpapahinga na poh kami." Nilingon ako ni Mary. "Emz?"

I nodded at her. "Sige mauna na kayo. Susunod na lang ako mayamaya." Sagot ko.

Lumapit sa akin si Aireen at bumulong. "Emz, ikaw na bahala kay Sir. Lambingin mo ha para magandang grades ibigay sa atin." She giggled. Jaze held her waist and pulled her. "Nako babae ka! Masasabunutan kita."

"Jaze sa kwarto mo siya patulugin. Ayoko siyang katabi. Ang lakas niyang humilik pag ganitong nakainom. Nahihirapan akong makatulog." Tinulak ni Lizette si Aireen para mas mapalapit kay Jaze. Hinila na ng huli ang babae patungo sa kwarto ng una. Alanganin na tingin ang binigay nila sa akin at tumango lang ako. Sa harap pa talaga kami ni Lawrence nagkalat. Hay naku.

Mabilis silang umalis at nagkatulakan pa. Naiwang nakatigagal pa rin ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. He must be very mad.

"Hey, kanina ka pa?" Alanganin akong ngumiti at dahan-dahang humakbang palapit sa kinauupuan nito.

"Kanina lang, 1 hour, 45 minutes and 20 seconds to be exact." He sounded very annoyed. Tumama ang tingin niya sa mga hita ko. His eyes narrowed as he gritted his teeth. I was wearing a haltered blouse and denim shorts. Napapikit siya at minamasahe ang kanyang noo.

Hindi ko alam bakit tinatambol ng kaba ang puso ko. I didn't do anything wrong, did I?

"Would you mind if I change first?" I asked him softly. Nakatungo siya at pinagsalikop ang mga palad.

"Five minutes." He uttered and threw his head back on the sofa and closed his eyes. He must be very tired.

Kumaripas agad ako ng takbo paakyat ng hagdan papunta sa room ko. Kumuha ako ng cotton shorts at oversized T-shirt sa cabinet. Dumiretso agad ako sa banyo, naghubad at tinali ang buhok pataas. Katawan lang ang binasa ko. Laking pasalamat ko at solo ko ang bathroom. Mukhang nakatulog na si Mary at hindi na nagawang magpalit pa ng bihisan. Mabilis akong nag-toothbrush at tinali ulit ang aking buhok ng maayos.

Hindi pa rin kumakalma ang abnormal na pintig ng puso ko habang bumababa ako mula sa pangalawang palapag ng apartment. Nakita ko itong ganun pa rin ang posisyon mula nang pumanhik ako but this time naka white sleeveless na ito. Ang polo na suot nito kanina ay nasa sandalan ng upuan nakasampay.

Nagdilat siya ng tingin at sinuri ulit ang aking kabuuan. Mukha akong walang suot na shorts dahil sa laki ng T-shirt ko. Pero ganito talaga ang sinusuot kong pantulog. Hindi ko maiwasang pamulahan ng pisngi sa paraan ng tinging pinupukol nito sa akin. Nandun ang admirasyon sa mga mata nito.

"Come here." He said huskily at naglahad ng palad. Walang pagdadalawang isip na inabot ko iyon. Marahan ako nitong hinila at ganun na lamang ang gulat ko nang pinaupo ako nito sa kanyang kandungan, paharap sa kanya.

Agad nitong ibinaon ang mukha sa aking leeg and inhaled my scent. Napapikit ako.

"Are you mad?" I asked him gently. Pinilig ko pa lalo ang ulo ko to give him more access to my neck.

Lawrence, The Hotelier (Published Under POP FICTION)Where stories live. Discover now