FOURTY ONE

86.1K 1.9K 84
                                    

Merry Christmas


"Lawrence wag tayong maglokohan dito. Ano ba talaga ang ginagawa mo dito? Bakit nandito ka? Sinong kasama ni Veronica magpapasko? Tsaka paano mo nalaman ang bahay namin? At bumiyahe kang mag-isa? Seriously Lawrence?" Sunod-sunod na tanong ko habang palakad-lakad sa harap nito. Hindi ako makapaniwala. Napaka imposible ng lalakeng to!

"Hija, hindi ba pwedeng pagpahingahin mo muna ang bisita mo? Halatang pagod ang tao sa tagal ng biyahe." Mommy butted in.

"Hindi ko siya bisita Mi! Naligaw lang yan siguro." Irap ko sa hangin.

Pinanlakihan ako ng mata ni Mommy. "Galing ka pa bang Davao niyan, Hijo?" Puno ng pag-alala ang nasa mukha nito habang nakatingin kay Lawrence.

"Yes Ma'am. Actually, sadya ko po talaga ang dalaga ninyo." Magiliw na sambit nito sa aking ina.

I snorted. "Wala akong sakit para dalawin mo okay? I'm fine. Makakaalis ka na." Diyos ko, hindi ba sabi ko I need space? Saang banda doon ang hindi niya naintindihan?

"Emerald Fitzgerald! Magtigil ka kung hindi ay talagang makukurot talaga kita!" Pagsasaway ulit ni Mommy sa akin. Ngumuso ako samantalang bumungisngis lamang ang kapatid ko na kanina ko pa gustong batukan.

Nanahimik ako but I rolled my eyes at him when I saw his lips twitch with amusement. Tss.

"Nagugutom ka na ba, Hijo? Teka at ipaghahanda kita. Bunso, samahan mo ako sa kusina." Aya ni Mommy kay Leah at agad namang sumunod ang huli sa kanya.

Pagka-alis nila ay hinarap ko ang lalake. I crossed my arms on my chest. "Hindi mo ba naiintindihan ang sinabi ko, Lawrence dela Vega? I said I need a fucking space!" Asik ko sa kanya. Kahit boss kita, nasa pamamahay kita kaya pwede kitang ayawan at paalisin anumang oras!

"Naiintindihan ko yun, Emerald. Binibigay ko nga yun sa'yo."

I scoffed. "Really? Binibigay mo? So why on earth you are here? Eto ang meaning ng space sa'yo?"

He heaved a sigh as he gazed at me intently. "Yes. Hindi kita guguluhin. Hindi kita kakausapin. Isipin mo na lang na para lang akong hangin na dadaan-daan sa harap mo. Walang kaso sa akin yun. Kahit gawin mo akong utusan, okay lang. Wag mo lang hingin sa akin na lumayo sa'yo ng ilang araw o buwan. Kuntento na ako na makita ka sa malayo basta ba araw-araw, oras-oras, minu-minuto nasusubaybayan ko bawat galaw mo. Masaya na ako sa ganun, Emerald. Because if you're going to ask me, I won't last even a single moment without you."

Nagtagis ang bagang ko at sinalubong ang kanyang tingin. "Hindi mo ba naiintindihan Lawrence? Habang nakikita kita, bumabalik ang lahat ng alaala."

"It's okay baby. Kung pati ang mga sandaling pinagsaluhan natin, kahit yung sandali na minamahal natin ang isa't isa ay kasamang bumabalik, then dapat lamang na nandito ako. Para maalala mo kung gaano mo ako minahal noon at gaano rin kita minahal at minamahal hanggang sa ngayon." Namamaos na bigkas nito sa akin. Masasalamin sa mata nito ang pag-asam na sana ay bumalik ang lahat sa dati. Am I hoping for it to happen too?

"Please give me a chance." He added in a begging tone that almost melted my heart.

I sighed for the nth time. I didn't know what to say and feel anymore. Nasasaktan ako na nakikita siyang nasasaktan. Posible ba talagang ibalik ang pag-ibig na nasira?

"Mukhang ayaw mo nga na nandito ako. Okay Emerald, aalis na ako. Baka ito na rin ang huli nating pagkikita. Sasanayin ko ang sarili kong wala ka na sa buhay ko. Baka doon na ako sa Europe maninirahan muna. Tatanggapin ko ang desisyon mong ito dahil kasalanan ko naman. Ako ang dahilan ng lahat ng ito." Madamdaming sambit nito at lumapit sa akin. Puno ng pag-iingat na hinawakan nito ang magkabilang balikat ko. Gusto kong mapapikit pero natatakot akong baka sa pagdilat ko'y maglaho ito. He kissed my forehead and softly caressed my cheek. I shivered with his touch.

Lawrence, The Hotelier (Published Under POP FICTION)Where stories live. Discover now