FORTY

135K 2.7K 460
                                    

Bisita

Yes. This is my greatest and worst nightmare. I got pregnant. Lawrence got me pregnant. And the most painful part is, I didn't know I was.....

Nakaupo lamang ako sa damuhan at pinagmamasdan ang lapida na katabi ng sa papa ko.

Baby Prince

Yun ang nakasulat na pangalan at yun ang gusto kong ipangalan sa kanya. Because I had a strong feeling that he's a boy. My prince. My baby.

That was October, I was two months pregnant then. My family had a vacation in my mother's province, Zamboanga del Sur. We went there because they thought that it's the best for me. New place, new air to breathe, new faces and new house to live in for a couple of days.

I did try my best para naman makalimutan ang lahat ng sakit. But yeah, I failed. I always skip meals. I wasn't eating properly. I almost cried all the time. Just when I woke up one fine morning, sumasakit ang puson ko. I thought I was having dysmenorrhoea. But I wasn't. Namimilipit ako sa sakit at tinawag ko sila mommy.

Shocked was written on my face when I realised that I was bleeding. Kahit sila mommy na nakapasok na sa kwarto ko ay nanigas din sa kinatatayuan.

I had miscarriage.

Tulala ako ng ilang araw. Nagpahinga ako sa lugar na iyon dahil makakasama pa sa akin ang bumiyahe. Late na nga rin akong nakapasok sa second semester ng school ko. Walang nakakaalam ng nangyari. Not even my friends. Not even my neighbours. Just us.

May family never got mad at me. They never knew who got me pregnant. I didn't tell them my story and they respect it. Kaya sobra-sobra ang pagmahahal ko sa kanila dahil sobra din nila akong minamahal.

Pero nakiusap akong gawan ng lapida ang sana ay magiging baby ko. Ang lapida na yan ay nagpapaalala kung gaano ako kawalang kwentang ina. Kung gaano ako kasama. Pero nagpapaalala din yan na hindi ko makakalimutan ang baby ko. Na kahit sa ganyang paraan man lang, maipadama ko kung gaano siya kahalaga at kamahal sa akin. Kung tutuusin hindi pa talaga siya ganap na baby pero itinuturing ko na siya na pinaka importantanteng tao sa buhay ko. Hindi ko lubos maisip kung paano ako naging tanga noon. Bakit hindi ko alam na buntis ako. Kung alam ko lang, e di sana mas inalagaan ko pa ang sarili ko. Sana mas minahal at pinahalagahan ko pa ang sarili ko. Sana hindi ako nagpakalunod sa sakit sa damdamin. Ang mahirap kasi, nagmahal ako. Nagmahal ako at walang itinira para sa sarili ko. Kaya nag bitawan niya ako, hindi ko na alam paano makaahon. At nadamay pa ang anghel ko sa kapabayaan ko. Napahagulhol na lamang ako.

"Ate...." natigil ako sa paghinagpis at napalingon sa kapatid kong bakas sa mukha ang lungkot.

"Bunso...." tipid na ngiti ko.

Tumabi ito ng upo sa akin at niyakap ako. "Sabi ni Mmy uwi na daw tayo. Hindi ka pa kumakain kasi. Tama na ate.... Tama na.... Wala kang kasalanan. Walang may kasalanan. Hindi natin kagustuhan ang nangyari."

Bumunot ako ng mga ligaw na damo sa paligid. "Two years old na sana siya ngayon. And I'm sure kasing gwapo at talino siya katulad ng ama niya." mapakla kong sabi.

"Magiging okay din ako bunso. Kita mo naman, three years had past pero nakaya ko naman dba. I'll be fine. I'll be okay." dugtong ko.

Niyakap niya ako ng mahigpit. "Namiss kita ate. Buti at bumalik ka na. Ibig sabihin, handa ka na mag move on." she stop para tignan ako ng maigi. "Nagawa mong makabalik dito, magagawa mo ulit makaalis. Ibig sabihin, nakaya mong balikan ang mapait na nakaraan, makakaya mo na ring lampasan ang lahat ng ito para sa kinabukasan. I'm proud of you ate. You are one of the strongest person I know."

Lawrence, The Hotelier (Published Under POP FICTION)Where stories live. Discover now