TWENTY SIX

84.9K 2.5K 28
                                    

From this to the last chapter  are unedited. Please preorder Lawrence's physical book to be released early next month. Thank you.




Yes

Matuling lumipas ang mga araw. Tatlong buwan na ang nakakaraan mula nang mag-umpisa kami sa aming training dito sa hotel. At naging maayos at matatag naman ang relasyon namin ni Lawrence. Everything is perfect. I couldn't ask for more. Pero minsan natatakot din ako. Kasi pakiramdam ko, pag sobrang saya ang nararanasan ko ngayon, baka bukas o makalawa ibayong sakit naman ang aking malalasap. Alam ko naman na ang isang relasyon ay hindi puro kasiyahan at kaligayahan lang. May kakambal din ito na lungkot at sakit. Ang tanong, handa ba ako? I don't know. But one thing I'm sure of, I'm never gonna be prepared from losing Lawrence. Hindi ako kailanman magiging handa na mawala siya sa buhay ko kaya gagawin ko ang lahat para maging kami pa rin hanggang huli.

Matatapos na ang araw at nagliligpit ako ng mga gamit ko para makauwi na. Dito ako naka-assign ngayon sa HR department. May sariling mesa ako at ang tungkulin ko ang tulungan si Miss Babes sa kanyang mga gawain. I'm the messenger, the runner, the encoder etc etc.

"Miss Babes, uwi na poh ako. Mauuna na ako sa inyo." wika ko at handa na sanag umalis. Nakita kong nagliligpit na rin ng gamit niya si Ms. Babes.

"Dear, pwede pasuyo? Ngayon lang talaga, please? Kailangan ko na kasing umalis ngayon. Na-ospital daw kasi pamangkin ko and I need to be there." sumamo niya.

May kinuha siyang folder mula sa drawer niya at inabot ito sa akin.

"Pakihatid naman sa top floor. Pakilapag mo lang sa table ng secretary ng president. He needs this first thing in the morning. Please, ganda?" she battered her eyelashes at me and gave me a puppy face.

Natawa ako habang kinukuha ang folder.

"Miss Babes naman, maliit na pabor lang poh ito. Hindi nyo na poh ako kailangang bolahin." ngisi ko sa kanya. Nilapag ko ulit ang mga gamit ko at babalikan ko nalang mamaya.

"Thanks ganda. Pero pwera biro yun ah. Ang ganda mo kaya talaga. Bagay kayo ni Sir Lawrence kung hindi nga lang suplado yun." panguso niyang sabi.

Sabay kaming pumunta sa employee's lift. Pataas ako at siya naman ay pababa. Ang office ng CEO ay nasa top floor, kasunod ang penthouse. Sakop ng Housekeeping office, HR office, Engineering Office at canteen ang buong second at third floor. Kung bakit sa top floor nakapwesto ang opisina ni Lawrence ay hindi ko na alam. Siguro ay dahil sa mas malapit ito sa penthouse niya.

Mag-isa na lang ako sa lift habang paakyat ito. Namamawis ang mga kamay ko habang naghihintay na makarating sa 40th floor kung nasaan ang opisina ni Lawrence. First time kung makarating sa taas. Wala akong idea kung nasaan siya sa ganitong mga oras dahil hindi naman siya nagtext ngayong araw pero hindi ko naman iyon ikinabahala.

Tumunog ang lift hudyat na nakarating na ako. Hallway ang unang bumungad agad sa akin. May hindi kalakihang reception area akong nakita. Lumapit ako sa isang medyo may edad ng babae at sinabi ang sadya ko. Tinuro lamang niya ang direstong daan sa akin. Humakbang at naglakad ako ng paunti-unti at tinitingnan ang bawat paintings na nakasabit sa magkabilang wall. Bumabaon ang heels ko sa kapal at lambot ng green carpet. May isang section din na may mga achievement awards, certificates at trophies ang nakadisplay.

Ngayon ko lang nabatid na dito pala sa top floor ang AUDIT, SALES AND MARKETING AND ACCOUNTING/FINANCE DEPARTMENT nakapwesto. Maraming cubicle akong nadadaanan pero tahimik na ang paligid dahil na rin siguro sa nagsiuwian na halos ang lahat.

Sa bandang unahan pa, kaliwa, ay isang pinto na may nakalagay na Executive Secretary's office. Katapat nito ang Resident Manager's office at katabi ang CEO/General Manager's office na siyang opisina ni Lawrence. Ang pagkakaalam ko ay si Veronica ang Resident Manager pag nandito ito sa Pinas. Medyo nalito ako sa klase ng set-up ng mga opisina nila pero ipinagkibit-balikat ko na lamang.

Lawrence, The Hotelier (Published Under POP FICTION)Where stories live. Discover now