TWENTY TWO

79.7K 2.2K 29
                                    

I'm Sorry

Napasinghap ako nang makarating kami sa penthouse. Nasa pinakatuktok ito ng hotel. Gusto kong mamangha sa mga nakikita ko sa paligid. May maliit na swimming pool sa entrada ng penthouse. May mga halaman na nakapalibot sa bawat gilid. Ang buong bahay ay halos napapalibutan ng salamin. From floor to ceiling. Kitang kita ang view ng Davao City mula dito. Ang sarap tumambay at pagmasdan na lamang ang nagkikislapang mga ilaw ng siyudad.

Pagpasok ko sa loob ay gusto kong matigilan. The interior design was more fascinating than I thought. Minimalistic lamang ito pero ang mga gamit ay sumisigaw ng karangyaan. Ang mga kasangkapan ay pinaghalong old and modern era. Tanaw ko mula rito ang dining area na pinaghiwalay ng napakalaki at napakalapad na antigong aparador na puno ng mga Chinaware at kung anu-ano pa. Nagkikintaban at kumikinang ang bawat gamit na nadadaanan ng aking mga mata. Nakakamangha.

Napakislot ako sa pagdantay ng kamay sa aking balikat. Nilingon ko si Veronica na nakangiti.

"I can see that you like the place. Si kuya ang nag-ayos ng lahat ng ito. Gusto ko mang magdagdag pa ng kasangkapan pero alam kong pagtatalunan lang naming dalawa." She shrugged.

Hinila niya ako paakyat ng hagdanan at huminto sa unang pinto. Hinarap niya ako at bumuntong-hininga.

"Emz, I know that there's something going on between you two. Alam kong may problema kayo at ayoko ng makisawsaw pa. But for the record, this is the first time I saw him look like shit. So broken. So down. And I don't know what to do to comfort him. He doesn't want anyone inside his room. So, if ever he wants you to stay away from him, please don't. Please bear with him."

Ang boses at mukha niya ay nagmamakaawa. Tumango ako sa kanya at ngumiti. Anuman ang mangyari ay hindi ako aalis sa tabi ni Lawrence. He needs me, at kung para saan ay malalaman ko sa oras na pumasok ako sa silid nito. At isa pa, gusto kong malaman ang lahat ng nangyari. Kung bakit sa isang iglap, nag-iba ang ihip ng hangin. I'm certain na wala akong nagawang pagkakamali sa relasyon namin. I didn't and I won't. I love him too much para saktan ito.

Pinihit ni Veronica ang doorknob ng pinto at unti-unting binuksan iyon. Wala akong halos makita sa dilim ng paligid.

"Pasok ka na. At sana maging maayos na ang lahat sa inyo. At sana mapagaling mo siya. I know you are the only cure to his sickness. Lovesick lang yan si kuya. He's an ass sometimes." Pabulong niyang wika at narinig ko pa ang bahagya niyang paghalakhak.

Napangiti ako at tumango muli sa kanya bago tuluyang pumasok. Sinara ko na ang pinto at pilit na inaaninaw ang paligid.

Napakislot ako nang naaninag ko ang paggalaw ng kumot sa king size bed sa pinakasulok ng kwarto. Unti-unti akong lumakad papalapit doon habang pigil ko ang aking paghinga. Ni-nirbyos ako dahil baka paalisin niya ako once he knew that I'm here. Galit siya sa akin kahit wala naman akong kasalanan. But thinking that he needs me is more than enough for me to stay where he is.

Unti-unting nagmaterialize sa aking paningin si Lawrence na nakakumot hanggang dibdib. Naririnig ko pa ang mahihina niyang ungol na para bang nahihirapan. Naramdaman ko agad ang init ng katawan niya. Damn, he's burning with fever!

"Lawrence, baby...." Mahina kong tawag sa kanya at tinapik ang pisngi niya. Napapitlag pa ako sa init ng balat niya. Gusto ko nang maiyak sa pag-alala. What have you done to yourself, Lawrence? Bakit? Bakit ka nagkakaganito? May nagawa ba talaga akong mali sa'yo?

Tinawag ko ulit ang pangalan niya. At sa bahagyang liwanag na nanggagaling sa bintana niyang hindi masyadong natakpan ng kurtina, nakita ko ang pagmulat ng kanyang mga mata. His eyes darted on me na gusto kong panindigan ng balahibo. His stares were cold, but I saw a glimpse of warmth there. He recognized me.

Lawrence, The Hotelier (Published Under POP FICTION)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant