THIRTY EIGHT

96.2K 2.2K 35
                                    

Live and Breathe

Wala na akong Lawrence na naabutan pag kagising ko. Nanlumo ako kasi akala ko magigisnan ko siya. Kanina, pagkatapos kong linisan siya ay ibinalik ko lang din ang polo niya. Gusto kong isipin niya na hindi ko nakita ang tatoo na nasa dibdib niya. Somehow, may parte ng pagkatao ko ang nagdiwang. Pero may parte ring nanghinayang at nalungkot dahil sa mga nangyari sa amin.

Naguguluhan ako. Bakit nagpatatoo siya ng pangalan ko? Ganun ba niya ako kamahal? Pero bakit? Bakit nangyari ang noon? Bakit nagawa niya akong saktan? Maybe, that tatoo was made to remind him how guilty he was for breaking my world apart. Kung paano niya ako pinahirapan, kung paano niya ako niloko. Baka nga ganun ang simbolo ng tatoo niya. Kaya pangalan ko ang nakaukit sa dibdib niya. Hindi ako naniniwalang nagpatatoo siya ng ganun dahil mahal niya ako. Because if he did, he wouldn't choose to break my heart.

Half day lamang ang pasok ngayong araw dahil sa party na gaganapin mamayang gabi. Excited ang lahat at nagkakatuwaan na. May bonus kasi ang lahat ng employees ng hotel, regular man, part time o intern. Ganun kagalante ang pamilya dela Vega.

Nalaman ko lang din na lahat pala ng kaibigan ni Lawrence ay may share sa company nito. Katulad na lamang ni James, pag aari niya ang dalawang resto bars na nasa loob ng hotel, ganun din si Chris na siyang corporate lawyer ng kompanya at kasintahan ni Miss Veronica. Samantalang si Ian, Jack at Reid ay nag invest lang din. Ang alam ko noon, isang ranchero si Reid at may malawak na lupain na pag-aari at pinapatakbo. Lahat sila ay mayayaman at talaga nga namang walang tulak kabigin.

Gumagayak na ako habang naghihintay sa sala si Edward. Ang ganda ng damit na napili ko. Actually, tatlong gowns ang dala niya at namili lang ako kung ano ang tingin kong mas babagay sa akin. Pinili ko ang silky black na gown na hanggang talampakan ang haba. Body-hugging ito at maganda ang bagsak ng tela. Tube-style at may butas ang likod hanggang bewang. Simple yet elegant and not too flashy.

Diamond earrings lang din ang suot kong jewellery at silver na relo. Gucci hand bag na black din ang napili kong gamitin na regalo sa akin ng aking sis-in-law noong nakaraang pasko. Black stilettos naman ang aking sapin sa paa.

Light make-up lang din ang nilagay ko at kinulot ko ang dulo ng aking buhok at hinayaang bumagsak lamang sa aking balikat. Komportable na ako sa ayos ko.

"You are definitely a head-turner, honey. You look exquisite!" puri ni Edward pagkalabas ko mula sa room.

"You look good yourself." I winked at him. Napag-usapan na namin na ipagpapatuloy ang pagpapanggap sa harap ng tao. Well, we practiced this ever since kaya hindi mo talaga aakalaing nagbabalat-kayo lamang kami.

Magarbo ang ballroom ng hotel. Nagkikislapan at puno ng iba't ibang kulay ang mga palamuti. May higanteng Christmas tree sa gitna at mga regalo sa ilalim nito. Napapalibutan ito ng mga round tables at chairs.

Marami-rami na rin ang mga tao pagdating namin. Malakas rin ang tugtog at ang iba ay nakikiindak na rin sa malawak na stage sa harap. Kadalasan ay matatanda dahil ang tugtog na puma-ere ay medyo classic.

"Doon tayo Edward." turo ka sa mga mesa na nakalaan para sa Front Office Department. Pumunta kami doon at binati ang ilan naming kasamahan. Expected na na kilala rin ng iba si Edward dahil nakapagtrabaho din siya ng ilang linggo.

Nakipag beso-beso ako kanila ate Love at ate Vanz na parehong nakapula ang damit.

"Nakakainggit talaga ang ganda mo Emz. Hayss..." wika ni ate Love na ikinatawa ko.

"Sus, hindi ka pa sanay Love? But yeah, nakakainggit nga." pangusong sabi ni ate Vanz. Alam ko naman na binibiro lang ako nila. Naki-beso rin sila kay Edward na alanganin ang ngiti dahil wagas makayakap ang dalawa.

Lawrence, The Hotelier (Published Under POP FICTION)Where stories live. Discover now