THIRTY FIVE

93.4K 2.2K 156
                                    

Epic Love

Pumasok si Lawrence at iginala ang paningin sa loob. Ako naman ay nakahalukipkip at siya ang pinagmamasdan. Hapit ang white tshirt na suot sa kanyang maskuladong katawan. Mukha siyang ordinaryong tao lamang sa klase ng suot niya ngunit hindi talaga maipagkakaila na marangya ang taong ito. Sa mukha pa lamang, daig na nito ang mga artista sa Pilipinas. I wonder kung naisipang magmodel nito? Anong pinag-iisip mo Emerald? Umayos ka nga!

Tumikhim ako. "May kailangan ka ba? Hindi ako naniniwalang gusto mo lang y-check ang lugar na ito."

"Bawal na ba ang bumisita sa'yo? Gusto lang naman kitang kamustahin. Tss." lumingon siya sakin para umirap lamang.

"Fine. May gusto ka bang inumin? Ikukuha kita." ang tanging sagot ko lamang. Ayoko ko ng makipagtalo pa at lagi lang naman akong talo. Hindi naman pwedeng paalisin ko siya dahil boss ko siya! At ang lahat ng meron dito ay kanya! Hayss! Umupo ito sa sofa at naghalungkat ng mga gamit na nakapatong doon. Ano ba talaga ang kailangan ng lalakeng ito?

Tumunog ang doorbell at mukhang ang delivery boy na ito na kanina ko pa hinihintay. Binuksan ko iyon at tama nga ang hinala ko.

Pinapasok ko muna ang delivery boy at kumuha ng pera sa room ko. Pagbalik ko ay wala na ang nagdeliver. Nasa mesa ang pizza box at si Lawrence ay tahimik lamang na nanonood ng TV.

"Asan yung nag-deliver? Magbabayad pa ako." tinignan ko ang hallway at baka maabutan ko pa ang naghatid pero wala na talaga ito. Sinara ko na lamang ang pinto.

"Malamang binayaran ko na. Hindi mo nakitang naglalaway iyon sa legs mong naka-expose? Ang hilig hilig mong magsuot ng maiiksing damit. Tsk." supladong sagot nito.

"The last time I checked, gustong gusto mong nagsusuot ako ng ganito noon! So what's your problem now? Huh?" pagtataray ko.

"Eh kasi ako lang naman ang nakakakita nun! Para sa akin lang yun! Akin lang!" singhal nito.

"Bakit ba ang sungit mo?!" pasuplada ko ring sagot at umirap dito. Pumunta ako sa kitchen para magtimpla ng lemon tea.

Ang kapal ng mukha talaga ng lalakeng yun kahit kailan. Laking gulat ko nang may dalawang braso ang kumulong sa akin mula sa likuran.

"Lawrence! Ano ba! Nanggugulat ka na naman. Ugaling-ugali mo na talaga yan eh noh." I said, irritated by his gestures.

"Gustong-gusto ko pag nagtataray ka sa akin. Lalo kang gumaganda." bulong niya sa tenga ko. Ramdam ko ang pagngiti niya.

Damn it! Ramdam ko ang mainit at matigas niyang dibdib na dumidikit sa likod ko. And I can't help but to blush.

"Back-off Lawrence. Stop flirting with me." I hissed.

"Uhmmmm....okay baby....." paungol pa niyang sambit. Napapikit ako dahil sa leeg ko siya sumagot at nag vibrate ang kanyang boses sa balat ko. My hair automatically prickles. Bago lumayo sa akin ay naramdaman ko pa ang paglandas ng ilong niya sa leeg ko. Inaamoy niya ang balat ko at gusto ko na namang manginig. Ang landi lang talaga nito!

"Honey?" boses ni Edward na mukhang hinahanap ako. Agad akong kumawala sa pagkakakulong ni Lawrence sa akin.

"Yes I'm here."

Agad akong pumunta sa living room para salubungin si Edward. Naka boxer shorts lamang ito at walang suot na pang itaas. Kitang-kita ang six pack abs nito at maliit na bewang.

"There you are honey. Akala ko lumabas ka. Pa-kiss nga." lambing nito. Tinignan ko siya ng makahulugan at ganun din siya sa akin.

"Uhhmm!" Lawrence cleared his throat. "May tao." biglang singit nito na nasa likuran ko. Yakap-yakap ako ni Edward at binubulungan ko lamang siya. I make sure na hindi maririnig ni Lawrence.

Lawrence, The Hotelier (Published Under POP FICTION)Där berättelser lever. Upptäck nu