Marahan akong pumasok sa kwarto niya. Ni hindi niya nga yata ako naramdaman. Napalingon lamang siya sa kanyang gilid siguro ng mapansin niyang may nakatayo sa kanyang gilid. Nang mapansin niya ako, pinatay niya 'yung telepono at saka ngumiti sa'kin. 

" Uy! Nanjan ka pala. Laro tayo? "  pag-ooffer niya nung isang joystick.

" Kanina ka pa ba gising? " pinapanatili ko lamang 'yung kalmado kong boses pero sa loob loob ko, gustong gusto ko ng sumabog. 

Sino ba namang hindi maiirita? Pinaghintay ka ng apat na oras tapos heto lang madadatnan mo. Pasalamat lamang siya, mahal na mahal ko siya. 

" Yap. Tinatamad lang talaga akong bumaba kanina. Teka, kumain ka na? Gusto mo sabihin ko kay Ma-- " 

" Diba may lakad tayo ngayon? Diba sisimba tayo? " malumanay kong tanong. 

" Tinatamad ako eh. " tapos bigla niyang ibinalik 'yung tingin niya sa nilalaro niya. 

Again, napabuntong hininga na lang ulit ako. 

" Ganoon ba? Sana man lang sinabihan mo ako. Kanina pa kasi ako ditong... ummm... 8:30? " maayos naman 'yung pagkakasabi ko. 

" Eh anong magagawa ko?! Eh tinatamad nga ako diba? " medyo tumaas 'yung boses niya na ikinagulat ko naman.

" Teka, 'wag kang magalit. Ang ibis sabihin ko lang naman e... " 

" Sorry na! Teka lang, magbibihis lang ako. Kahit tinatamad ako, sige na. 30 minutes will do. " 

Tumayo siya at pupunta na sa kanyang banyo ng pigilan ko siya. Hinawakan ko siya sa kanyang braso. Tumingin naman siya sa akin ng may panlilisik 'yung mata.

Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]Where stories live. Discover now