Tatlumpu't dalawa

15 4 0
                                    

Reinforcements are on their way while Saito's group are fighting Mandelion's group. They used up most of their energy. Even Saito's catching his breath and can't fight on his own. Mandelion's group is very strong. Kapag may napapatay sila ay para silang mga zombie na bigla nalang tatayo at lalaban na parang gutom na gutom.

That sight caught their attention. How is that even possible? Is it possible for a dead man to stand and fight again?

"Nakakabaliw na ito!" Hinihingal na sigaw ni Saito.

"Ano sila?! Bakit sila pilit na tumayo?! Paano sila nabubuhay muli?" Inis na sabi ni Emanuel.

"Kung magbabase tayo sa mga pelikula na napapanood sa telebisyon, mapapatay mo lang ang mga zombies kung pupuntiryahin mo sila aa ulo." Singit ni Nikita. "Pero ilang beses na nating nasubukan at nagawa 'yon at tumatayo pa rin sila."

"Anong zombie?" Sabay-sabay na tanong sa kanya ng kanyang mga kasama.

"Uh.. 'Yung ano.. 'Yung kapag namatay ka na ay mabubuhay kang muli." Paliwanag sa kanila ni Nikita.

"Edi zombie ka din?" Tanong bigla sa kanya ni Refix.

"What?! No! Ayy.." Napakagat labi siya ng marealize niya na tama si Refix. She died pero nabuhay siyang muli. "Siguro?"

"Siguradong isa itong palabas. Isa itong trick." Mahinang bulong ni Aydan.

"Refix!" Lumingon sila Refix sa may likuran ng dumating na ang reinforcement na hinihintay nila.

"Calli!"

Niyakap niya ang kanyang nobya at ininspeksyon ang buo nitong pagkatao.

"Ayos ka lang? Wala bang masakit sa 'yo?" Tanong niya kay Calli.

"Ayos lang ako, babe. Ikaw? Ayos lang ba kayo dito?" Nag-aalala na tanong sa kanya ni Calli at inilibot ang kanyang paningin sa paligid. "Oh my! Paano nangyari 'yon?!"

"'Yan din ang gusto naming malaman. Kapag nasisigurado naming patay na sila, bigla na lang silang tatayo at makikipaglaban ulit." Paliwanag sa kanya ni Refix.

"Hindi na ito maganda." Mahinang bulong ni Calli.

On the other hand, sa grupo ni Mandelion ay sinabihan sila ni Mandelion ng pinaka weapon nila.

This is their last chance that's why they resorted to this kind of plan. They needed to get their plan to success. Matagal na nila itong pinaplano, hindi ito pwedeng matapos dito. Hindi ito pwedeng mabalewala. That's Mandelion's thoughts.

"Koji, kaya mo pa bang buhayin ang mga namatay na? Kaya pa ba ng enerhiyang mayroon ka?" Mahinang tanong ni Mandelion sa isa pa niyang kasama.

Naka piggy back ito sa kanyang likuran at dinig na dinig ni Mandelion ang malalalim at mabibilis na paghinga nito.

"Kaya.. ko pa." Hinihingal na sagot sa kanya ni Koji.

"Ayos! Tapusin na natin ito!" Malakas na sigaw ni Mandelion.

Sa grupo naman nila Saito at Emanuel, hinihingal silang nakatingin kina Mandelion. Kung titingnan mabuti, mukhang hindi na sila magtatagal sa laban kung patuloy nilang gagamitin ang mga natitira nilang enerhiya sa kanilang katawan.

They've been fighting for almost five hours straight. It's a miracle that they can still stand despite that fight.

"Saito.. Protektahan ko ang anak mo at iwan na lamang sa 'kin ang laban na ito. Lumayo na kayo dito, kayo ang kailangan nila." Humihingal na sabi ni Emanuel.

"Pero.. Paano kayo? Hindi kami pweding basta na lang umalis kung alam naming nandito kayo at pilit na lumalaban para lang sa kaligtasan namin!" Biglang singit ni Nikita. Salubong ang kilay na lumapit siya sa kanyang Papa at Uncle. "Uncle, hindi namin kailangan ang ganoong klase ng proteksyon. Kung mamamatay edi mamamatay! Pero hindi namin kayo pweding iwanan dito.  Ang isang ninja ay kailangang umakto bilang isang huwarang ninja, ang sabi ng isa sa mga proktor namin. At ang pagiging isang huwarang ninja ay ang hindi pag-iwan sa mga kasamahan mo sa gitna ng laban. Ito ang klase ng buhay mayroon ang isang ninja, buhay kung saan kailangan niyang ilagay sa kanyang balikat ang magiging kinabukasan ng mga tao, ng mundo, sa ayaw man niya at sa gusto. Buhay kung saan kailangan mong magligtas ng tao, kung saan kailangan mong lumaban, isang buhay kung saan kailangan mong protektahan ang mga kasamahan mo. Pamilya tayo ng mga ninja, Uncle. Ito ang buhay na mayroon tayo."

Ninja's Love (Shinobi #1)Where stories live. Discover now