Ikaanim

26 4 0
                                    

Sa mga training na ginawa ko kasama si Aydan, natuto na rin ako kung paano kumilos bilang isang ganap na Genin na ninja.

I can do the basics. Kaya ko ng mag palipat-lipat at mag patalon-talon sa mga sanga ng puno. Alam ko na kung paano gumamit ng kunai at shuriken.

Kaya kong protektahan ang sarili ko kung ang mga kalaban ay nasa D o C-rank. But this mission is new, not only to me but also to Aydan and Refix.

Pasimpli kaming nakasunod sa grupo nina Princess Sae. Malapit na kami sa tulay kung saan nakaabang ang mga rogue ninja.

Ilang minuto pa ay nakikita na namin ang tulay. Sa oras na may kalabang tumapak sa kabilang banda ng tulay, magsisimula na ang una sa aming plano.

Pagka-apak nila Princess Sae sa tulay ay isa-isang nagsilabasan ang mga kalaban. May hawak-hawak ang mga ito na sandata.

“Ang una nating gagawin ay hahayaan natin silang isipin na mag-isa lang kayo. Na walang ninja na taga-Ki ang kasama niyo.” Kaagad na lumantad sa mukha ng Prinsesa ang kalituhan at hindi pagsang-ayon sa mukha ni Opoi.

“Ano?! Paano kung saktan at kunin nila ang Prinsesa?” Iritang tanong ni Opoi.

“Hindi nila gagawin iyon. Hindi nila masasaktan ang Prinsesa at hindi namin hahayaang makuha nila siya.” Seryosong sabi niya. “Basta kumilos ka lang ng normal, Prinsesa Sae. At kami na ang bahala sa susunod na mga hakbang.”

Nakangisi ang mga ito habang nakatingin sa palanquin kung nasaan ang Prinsesa. Para silang mga leon na handang sunggaban ang isang daga.

“Prinsesa! Alam mo naman siguro kung bakit kami nandirito!” Sigaw ng isa sa kanila.

“Pakiusap! Iwanan niyo na ang Prinsesa!” Sigaw naman pabalik ni Opoi.

“Tumahimik ka! Hindi ikaw ang kinakausap ko kaya huwag kang sumabat!” Galit na sigaw ng kalaban.

Lumabas ang Prinsesa sa loob ng palanquin at siya ang humarap sa mga ito.

“Pakiusap! Hayaan niyo na akong makabalik sa aming palasyo!” Garalgal ang boses na sigaw ni Princess Sae.

“Ano ka, sinuswerte?!” Tumawa ito ng nakakaloko. “Matagal na namin itong hinihintay! Ito na ang araw kung saan kami namang mga bandidong ninja ang mamumuhay sa karangyaan!”

“Baliw ‘to.” Mahinang sabi ko.

“Talaga.” Sagot naman ni Aydan.

“Sa-sa inyo na ang perang gusto niyo. Hayaan niyo lang ako at ang pamilya ko.” Naiiyak na sabi ni Princess Sae.

“Mabuti kung ganun!” Nakangisi nitong sabi.

“Pangalawa. Kailangan mong ihain sa kanila ang nais nila. Ang kayamanan ninyo.” Aydan said matapos magsalita ni Sir Bexley.

“At kapag nangyari ‘yon, doon na natin isasagawa ang pangalawa sa ating plano.” Dugtong naman ni Refix.

“Kapag naihain na sa kanila ang habol nila, siguradong mababa ang pagiging alerto nila.” Si Sir Bexley naman ang nagsalita.

“Ibig sabihin, magiging kampante sila na makukuha nila ang pakay nila.” I said.

“At kapag nangyari ‘yon, doon kami kikilos at iisa-isahin namin silang patutumbahin.” Aydan said firmly.

“Gagana ba ito?” Kinakabahan na tanong ng Prinsesa.

“98 na porsyentong sigurado.” Sir Bexley answered.

“Paano ang 2 porsyento?”

“Sigurado din ‘yon. Inihiwalay ko lang para hindi masyadong mayabang ang dating kapag sinabi kong 100 porsyentong sigurado ang plano.”

Ninja's Love (Shinobi #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ