Wakas

6 3 0
                                    

2 years later....

"Aydan! Hindi diyan! Put it on the other side."

"Sir Bexley! Pwede mo bang idikit ang mga ito sa pader?"

Sinundan namin ang lahat ng sinasabi ni Nikita. After 2 years, babalik na sa wakas si Refix sa bayan.

"Papa! Anong ginagawa mo dito?! Dapat ay nasa opisina ka at ginagawa ang trabaho mo!" Natawa kami ng makita ang nabiglang mukha ni Lord Kipeji ng sigawan siya ni Nikita.

"I.. Gusto ko lang tumulong.. Can't I?" Awkward nitong sagot sa anak niya.

"No, no. Shoo! Shoo! Work your ass in your office!" My brow arched when I heard what she said.

"Hon, that's enough. Watch your words, he's your dad.. and the Lord Kipeji." Singit ko.

"Oo nga, oo nga! Tama si Aydan!" Pagsang-ayon naman ni Lord Kipeji sa 'kin.

Salubong ang kilay na nilapitan ako ni Nikita at kinurot ng napakaliit sa 'king tagiliran.

"Ako dapat kinakampihan mo! It's his birthday today, and it seems like he forgot it.. Kaya ko siya pinapaalis is para makapag handa tayo for our surprise to him!" Gigil na bulong niya sa 'kin.

Oh, yeah! I scratched my head when I heard that. I chuckled awkwardly and looked at Lord Kipeji.

"Uh.. Ahem.. Lord Kipeji." Nagtatakang tumingin sa 'kin si Lord Kipeji ng tawagin ko siya. "Uh.. Mas maganda siguro kung sundin niyo nalang ang sinasabi ni Nikita. You have lots of work to do.. right?"

Hindi makapaniwalang tumingin napatitig siya sa 'kin.

"Aydan! Did she threaten you?!" Tanging iling lang ang naisagot ko sa kanya. I'm sorry, Lord Kipeji. "Whatever! Huh! Bahala kayo diyan! Hindi ko kaya tutulungan kahit lumuhod pa kayo! Akala naman nila ang ganda ng decorations.. Hmph!"

Napatulala kami sa kanya ng nagdadabog at bumubulong siyang lumabas ng bahay.

"What is he? A child?" Hindi makapaniwalang tanong ni Sir Bexley.

"Forget about him. Let's continue our works." Sabi naman ni Nikita. "It's a double celebration kaya dapat mapaghandaan ng maayos."

After Refix left, hindi parin nawawala ang connection namin sa kanya. We call each other every time. Telling what happened in our days and sharing our problems even if we are miles away. And the big step na nagawa namin ni Nikita sa nakalipas na dalawang taon ay ang pagtuturo ng salitang Ingles sa mga kasamahan namin. Ngayon ay nakakapag-usap na kami ng maayos kahit na bigla-bigla nalang nag-iingles si Nikita. Hindi katulad dati na kapag nagsasalita siya ng Ingles ay napapatulala nalang ang mga kasama namin, especially Lord Kipeji. Ganoon din ang ginagawa namin kapag nakakausap namin si Refix sa telepono.

In 2 years, Nikita and Refix's relationship became stronger. The awkwardness and fear was gone and now, mas magiging malapit pa sila lalo na ngayon na uuwi na si Refix. I am jealous! Palagi nalang silang nag-uusap sa phone even if when I'm around. Palaging tumatawag si Refix tapos silang dalawa lang nag-uusap! I was there too! Bakit hindi nila ako sinasama?!

I am the boyfriend pero parang ako pa ang third wheel!

"What's with the pout, Hon?" Tanong ni Nikita ng mabaling sa 'kin ang kanyang atensyon.

"Nah.. Just remembered something." Sagot ko sa kanya. She went closer to me and suddenly, she gave me a surprise peck in the lips.

"Wha-"

"Ano ba naman 'yan! Ang sabi magtrabaho hindi mag lambingan!" Reklamo ni Vivie habang patuloy sa pagpapalobo ng mga balloons.

"Sabi ko naman kasi sa 'yo Leo halik-halikan mo 'yang baboy mong girlfriend nang hindi nagrereklamo!" Pambu-bwisit ni Percy sa kanya.

Ninja's Love (Shinobi #1)Where stories live. Discover now