Dalawampu't anim

14 4 0
                                    

Nikita's POV

I was hiding behind a tree and watching them fight para makatakas kami. Mahigpit ang hawak ko sa trunk ng puno habang dumadagundong ang kaba at takot saking dibdib.

Nakayuko lang ako habang sila ay nakatayo sa 'king harapan. Should I hide? Should I let them handle our enemies? But..

"But.. you're injured." Mahinang sabi ko.

"Honey, kahit na buong katawan ko pa ang may sugat at masakit, hindi na magbabago ang isip ko. Poprotektahan kita kahit pa buhay ko ang kapalit." He held my cheek and smile at me.

"Pero, Aydan.."

"Walang pero-pero, hon. Magtiwala ka sa 'kin, sa 'min. Malalampasan din natin 'to." Umupo malapit sa 'min si Refix at bumulong.

"Nagsisimula na silang gumalaw. Hinahanap na nila tayo." He whispered to us.

Sabay silang tumayo at aalis na sana ng hawakan ko ang mga kamay nila. Tinignan ko sila ng diretso sa mata.

"I.. I think this can help kahit konti lang." Hinila ko sila paupong muli at tinignan sila ng seryoso.

"Ano iyon?"

"Napansin ko na ang mga kasamahan niya ay hindi ganoon kalakas. Parang isang atake mo lang sa kanila ay babagsak na sila." Inilipat ko ang tingin ko kay Refix. "Naaalala mo ba 'yung nakalaban mo? Isang atake mo lang sa kanya tapos na siya."

"Oo, naaalala ko." Tumango siya sa 'kin.

"Kung ayos lang sa inyo, gusto kong ikaw Refix ang kumalaban sa kalaban ko kanina habang ikaw naman, Aydan.." Umusog ako palapit sa kanya at hinawakan ang isa niyang kamay. "Kaya mo bang patumbahin ang batang 'yon? What was his name again?"

"Kermi? Kerma? Parang ganoon?" Nakataas kilay na sabi ni Refix.

"Kermin, tanga." Bulong ni Aydan sa huling salita.

"Can you handle Kermin? Hanggang sa matalo ni Refix ang kasamahan Kermin." Even I don't want this. It was dangerous for him. But it's the only way. He's the only one na maaaring makalban ni Kermin.

"Oo naman, hon." He gave me a sweet smile. "Pero gusto kong magtago ka. Ayokong makikialam ka sa laban kahit na anong mangyari. Magtago ka lang, Nikita."

"I.. I will." Mahinang sabi ko.

He rose up and stretched his body. He lean again, this time, closer to me. He smiled and kissed me on my forehead.

"Tara na, Refix." He said. Mabilis ko siyang hinila palapit sa 'kin at hinalikan siya.

I closed my eyes and kissed him, pouring my care and love.

"Please, be safe." Bulong ko sa kanya habang magkadikit ang aming mga noo.

He gave me a peck on my lips before he ruffled my hair.

"Tara."

Mabilis na nawala sila sa aking paningin at nagkanya-kanya ng lusob sa kanilang mga target.

Mag-iingat kayo.

Napatakip ako sa aking bibig ng maiwasan ng kalaban ni Refix ang atake niya, bagkus ay si Refix pa ang natamaan at tumilapon papalayo.

Napahigpit ang pagkakayukom ng mga kamao ko. Oh God, please.

Si Aydan ay patuloy pa rin sa pakikipagpalitan ng atake sa kalaban. Hindi sila magtatagal sa laban kung palaging ninjutsu ang ginagamit nila. Mapapagod sila, mawawalan ng enerhiya sa katawan.

Ninja's Love (Shinobi #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant