Ikalabing-isa

28 4 0
                                    

Nagkalat kami sa paligid at hinihintay ang instructions na ibibigay ni Miss Lihar. Nasa mahigit bente kaming mga Genin sa paligid.

“Una, pagsamahin ninyo ang inyong hintuturo at gitnang daliri.” Pinagdikit namin ang dalawa naming daliri. “Pagkatapos ay itapat niyo sila sa gitnang bahagi ng dibdib ninyo kung nasaan ang energy point.”

Itinapat ko ang magkadikit na daliri ko sa pagitan ng boobs ko.

“Kolektahin ninyo ang inyong enerhiya sa gitnang bahagi ng inyong dibdib. Konsentrasyon ang kailangan upang magawa ito.” Nag pocus ako sa pagkolekta ng aking enerhiya. “At dahan-dahan, ilipat mo ang enerhiyang nalikom mo sa magkadikit mong daliri.”

Naramdaman kong dumaloy ang parang isang kuryente sa aking dibdib patungo sa kamay ko hanggang sa tumigil ito sa magkadikit kong kamay. This is awesome! My gosh!

“Pagkatapos ninyong nailipat ang enerhiya ninyo sa mga magkadikit ninyong daliri,” Sa isang kumpas lang ng isa niyang kamay at pagbigkas ng mga katagang bago sa aming pandinig, ay mahigit benteng kuneho ang nagpatakbo-takbo sa paligid namin. “gumawa kayo ng isang atake. Magpokus ka sa puntirya mo at unti-unti mong pasukin ang isipan niya gamit ang enerhiyang nasa mga daliri mo.”

Tinitigan niya ang isang kuneho na tahimik na kumakain ng damo.

“Genjutsu: Mga ilusyong Sirena.”

Kasabay ng pagbigkas niya ng katagang iyon ay ang pagwawala ng kuneho na kanina lamang ay tahimik na kumakain.

“Ganoon ang paggamit ng genjutsu.” Tinignan niya kami. “Nakabase sa inyo kung ano ang gusto ninyong makita ng puntirya ninyo. At ang pinakita ko sa kunehong iyon ay mga sirena na handa siyang kainin.”

Naninindig ang mga balahibo ko sa aking katawan. Sirens. A beautiful yet creepy creatures.

Ipinilig ko ang aking ulo at nag-focus muli sa enerhiyang nasa aking mga daliri. Naghahanap ako ng target sa mga kunehong nagkalat sa aming paligid.

I stared at the bunny while trying my best to enter its mind. Ilang minuto akong nakatitig sa kanya at pilit na pinapasok ang kanyang isipan ngunit walang nangyayari.

Ibinaba ko ang mga daliri ko at inilingon sa iba kong mga kasama ang aking paningin. Some already did it and some are still struggling like me.

Tumingala ako at ipinikit ang aking mga mata. Paano ba ako makakapasok sa isipan ng kunehong ito? I pinched the bridge of my nose and made a decision.

Naglakad ako palapit kay Miss Lihar. Tinuturuan niya ang isang kasama ko na nahihirapan din. I averted my eyes ng mapabaling sa akin ang kanyang paningin.

“U-uh… P-pwede po ba akong manghingi ng tulong?” I stuttered at nahihiya siyang tinignan sa mukha.

“Oo naman, maaari.” Humarap ito sa akin at tinignan ako ng diretso sa mata. “Anong pumapasok sa isipan mo ang salitang ‘pokus’?”

“Uh… Magbigay ng partikular na atensyon sa isang bagay?” I answered like a highschool student.

“Tama.” Lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa aking kamay. “At kanino ka magpo-pokus?”

“Sa puntirya ko?” Hindi siguradong sagot ko.

“Sino ba ang puntirya mo?”

“’Yung kuneho.” I answered.

Humiwalay siya sa akin at kumuha ng isang kuneho. Itinapat niya ito sa aking harapan.

“Subukan mo dito.”

I collected my energy in between my chest kung nasaan ang energy point ko. Slowly, inilipat ko ito sa aking magkadikit na daliri. I stared on the rabbit at nag pocus sa pagpasok sa kanyang isipan.

Ninja's Love (Shinobi #1)Where stories live. Discover now