Ikalabing-anim

22 4 0
                                    

He look startled at mukhang natauhan siya sa aking sigaw. Mabilis na lumayo siya sa babaeng nakalingkis sa kanyang leeg.

"H-hon!" Galit na umalis ako sa lugar na iyon at iniwan silang lahat.

Malalim ang mga paghinga ko at malakas ang pagkakatapak ng mga paa ko sa buhangin.

"Who the heck is that girl? Anong karapatan niyang halikan ang boyfriend ko?" Galit na sabi ko.

"Bakit hindi siya umiwas? I know na nagulat din si Aydan, pero hindi ko maiwasang hindi mainis sa kanya. Hindi ko na alam!" Namumuo na ang luha sa aking mga mata.

This is the first time that I felt like this. I feel so mad and hopeless at the same time. I am the girlfriend pero bakit parang ako pa ‘yung nawalan ng posisyon?

Naiiyak na nagpatuloy ako sa aking paglalakad hanggang sa madapa ako sa buhanginan.

"Hon!" Isang kamay ang umalalay sa akin sa pagtayo.

"Bitawan mo ako, Aydan." Pilit kong inalis ang kanyang kamay sa paghahawak sa akin. "Bitawan mo ako."

"Hon, please." Nagmamakaawa nitong bulong sa akin. "Pakiusap, huwag naman ganito."

"'Yan din ang gustong kong sabihin sa'yo, Aydan. Huwag ganito, masakit dito." Itinuro ko ang bahagi ng dibdib ko kung nasaan ang puso ko.

"H-hindi ko naman ginusto 'yon. Alam nating pareho 'yon." Tears started to form in his eyes. "Alam mo 'yon."

"Alam ko. Pero ang sakit pa rin eh. Ang sakit, Aydan." I said in between my sobs.

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay ng mahigpit.

“Alam mo na hindi ko pa ‘to nararanasan kaya alam kong alam mo kung ano ang nararamdaman ko.”

“Hmm.. Patawad.” Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at tumingin aa ‘kin. “Alam mong mahal kita, hindi ba?”

I averted my eyes at inagaw ko ang mga kamay ko sa kanya.

"Just... Let me breathe first." Nilampasan ko siya at umiiyak na naglakad palayo sa kanya.

"Hon! I love you!" I covered my mouth with my hand so that the sobs I had been holding back would not come out.

"I love you, too." I whispered bago ako makarating sa sasakyan namin.

Pumasok ako sa loob ng sasakyan at doon umiyak ng umiyak. Nang matapos ako sa kakaiyak ay doon sumalubong sa akin ang realisasyon. I am the girlfriend. Ako ang mas may karapatan. So ano ‘yon? Nag-emote lang ako tas okay na? Ang drama-drama ko pa at may paiyak-iyak pa ‘kong nalalaman.

Inumpog-umpog ko ang ulo ko sa may bintana dahil sa katangahang ginawa ko. May pawalk-out walk-out pa akong nalalaman.

I won't lose! Aydan is my boyfriend at hindi sa babaeng impaktang 'yon. Nagplano ako sa loob ng sasakyan kung paano ako makakabawi sa ginawa ng babaeng 'yon.

After kong kumalma ay inayos ko ang sarili ko at lumabas ng sasakyan. Naglakad ako pabalik sa cottage. Habang naglalakad ay nakita ko si Aydan na nakaupo sa pwestong pinag-iwanan ko kanina sa kanya.

"Hon." Tumayo siya at lumapit sa akin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

"Mukha kang aso na sobrang loyal sa kanyang amo at hinihintay ang kanyang pagbabalik." Sarkastiko kong sabi sa kanya.

"Hon, naman." Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Nakasunod lang siya sa aking likuran hanggang sa makabalik kami sa cottage.

Pagdating ko ay nadatnan kong nakaupo ang impakta at wala na ang mga  kasama niyang alipores sa loob ng cottage.

Ninja's Love (Shinobi #1)Where stories live. Discover now