Ikalabing-siyam

18 4 0
                                    

Aydan's POV

"Ano ba?! Kailan ba uusad ang trapiko na 'to?! Kanina pa tayo dito ah!" Galit na pinindot-pindot ko ang busina ng van.

"Kalmahan mo lang, Aydan. Kahit pagpindut-pindutin mo pa 'yan, hindi uusad ang mga sasakyang nasa harapan." Iiling-iling na sabi ni Refix.

"Kung iwanan nalang kaya natin iyong sasakyan? Tumakbo nalang tayo." Lumabas ako ng van at nagsimulang tumakbo.

"Hoy! Aydan! Ano 'to, magpapakamatay ka ba?!" Hindi ko siya nilingunan at nagpatuloy lang sa aking pagtakbo. "Hoy! Ang layo kaya ng pupuntahan natin!"

"Aydan! Gumamit tayo ninjutsu!" Napatigil ako sa pagtakbo sa aking narinig. Ninjutsu?

"Nice, babe! Ang galing mo talaga!" Magiliw na niyakap siya ni Refix at hinalikan sa pisngi.

"Gagamitin ko ang elemento ng hangin para mabilis tayong makapunta sa Fuuji." Tumango na lang ako sa kanya at hinintay siyang matapos.

"Buti pa 'yung girlfriend may pakinabang, samantalang 'yung boyfriend puro reklamo lang ang alam." Bulong ko.

"Ano? May sinasabi ka, Aydan?" Kunot noong tanong niya.

"Wala."

Tumingin ako kay Calli at hinihintay siyang matapos sa preparasyong ginagawa niya.

"Elemento ng Hangin: Karpet ni Aladin."

Isang karpet na gawa sa hangin ang pumaibabaw sa 'min. Mabilis na sumakay kami dito at minaniobra papunta sa abandonadong lugar ng Fuuji.

Wait for me, hon. Papunta na ako. Please, hang in there.

Makalipas ang mahigit bente minutos ay tumigil ito sa isang abandonadong building. May mahigit tatlong palapag ito.

"May tatlong palapag. Maghiwa-hiwalay tayo." Humarap ako sa kanila. "Calli sa unang palapag ka, Refix sa pangalawa ka at ako naman sa pangatlo."

"Roger!" Sabay na sabi nila at sabay-sabay kaming tumakbo papasok.

Mabilis na hinanap ko ang hagdan paakyat sa third floor. I ran as fast as I could. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating din ako sa third floor.

Isa-isa kong binuksan ang mga may pagkasira ng pintuan at tinignan ang loob ng mga ito. There's no sign of Nikita. Nasaan ka, hon?

Lumipat ako sa kabilang kwarto ngunit wala akong makita. Naubos ko na lahat ng kwarto ngunit wala akong makitang Nikita.

Naramdaman kong nag-iingay ang telepono ko sa aking bulsa. Inis na kinuha ko ito at nakitang tumatawag si Calli.

"Ano?"

["N-nandito siya. Bi-bilisan mo, Aydan."] Garalgal ang boses na sabi niya.

Mabilis na bumaba ako papunta sa unang palapag at ginamit ko pa ang ninjutsu ko para mas makababa ako ng mabilis. Nadatnan kong nakatayo sa 'di kalayuan si Calli at nanginginig ang kanyang mga kamay. Ilang saglit pa ay kasunod ko na si Refix.

"Nasaan siya, Calli?" Seryoso kong tanong sa kanya. Itinuro niya ang kwarto sa dulo, mabilis na lumapit kami doon at napatigil sa aming kinatatayuan ng may marinig kaming sigaw.

"Aaaa! Stop it! Aydan! Aydan, help me! Pleasee! Aydaaaaannn!!"

Mabilis na umakyat sa ulo ko ang galit ng marinig ko ang boses ni Nikita na bakas ang pag-iyak. What the hell is going on?! Mabilis na tumakbo ako papunta sa kwartong 'yon at malakas na sinipa ang pintuan nito. Malakas na bumagsak ito sa sahig at galit na lumingon ako sa paligid.

Mas nag-alab ang galit sa kaloob-looban ko ng makita ang kung ano ang ginagawa nila kay Nikita.

"Ano sa tingin ninyo ang ginagawa niyo sakanya?! Mga g*go kayo!" Galit na nilusob ko ang lalaking nakahawak sa dibdib ni Nikita.

Ninja's Love (Shinobi #1)Where stories live. Discover now