Tatlumpu't isa

13 4 0
                                    

"But Saito gained more enemies and this one, he's strong. So Emanuel let himself be his minion and followed his orders." Tumingala sa itaas si Mama. "Hinayaan niyang maging alipin ang kanyang sarili para lamang matulungan ang kanyang kapatid."

"But.. But why did Emanuel fight Lord Saito when they met?" Nagtataka kong tanong.

"It's uncle Emanuel and Papa Saito, Nikita." Nakangiting sabi sa akin ni Mama. "Who knows? Maybe he's acting because someone's watching him."

"Ohh.. Maybe you're right." Tumatangong sagot ko.

"Kaya Nikita.. You need to stay alive and help your Papa and Uncle to defeat their enemies." Hinaplos ni Mama ang aking pisngi na siyang nakapagpapikit sa 'kin. "And be with Aydan. You love him, don't you?"

"Yes, Mama. I love him so much." Nakangiti kong sagot sa kanya.

"I'm glad.." Nakangiti niyang sagot pabalik sa 'kin. "Tandaan mo lahat ng sasabihin ko, anak."

"Yes, po." Sagot ko sa kanya.

"Your Uncle Emanuel is not an enemy. He's an ally, anak. Help them ng Papa mo. And never use your power. Kailangang mabura sa kasaysayan ng mga ninja ang kapangyarihang taglay ng mga Abalone. Kailangan mawala ang kapangyarihan natin sa kasaysayan upang hindi na maulit ang ganitong klase ng gulo."

"Yes, Mama." Tumatangong sagot ko sa kanya.

"Hurry.. Kailangan mo na silang tulungan." Biglang nag sink-in sa 'kin ang kanyang sinabi.

"Mama! Paano ko sila matutulungan kung patay na 'ko?!" Naiiyak na tanong ko sa kanya.

Tumawa ng malakas si Mama sa 'king sinabi. Napatitig ako sa kanyang masayang mukha. How I miss this view.

"A genuine and passionate love can make a person live." She smiled at me and everything became white.

Sobrang puti, nakakasilaw.. Where am I?

******************************************
Third Person's POV

Nakaupo sa magkabilang bahagi ng lupa sina Saito at Emanuel. Pareho silang nakatingin sa kalangitan na puno ng mga bituin.

"Sinabi ko sa 'yo na mahal ko si Maria." Sabi ni Emanuel. "Totoo iyon. Minahal ko siya. Pero mas mahal kita eh. Masaya ako na nakita kita noong huli nating laban, Saito. Gustong-gusto kitang yakapin no'n. Gusto kong sabihin sa 'yo kung gaano kita gustong makita at makasama. Pero hindi ko ginawa. Hindi, hindi ko magawa."

Nilingunan siya ni Saito at pinakatitigan. Memories of him and Emanuel flashes back.

"Hanggang ngayon ay nagtataka parin ako kung bakit mo ako iniwan." Mahinang sabi niya.

"Iniwan kita kasi 'yon ang kinakailangan kong gawin. At humihingi akong muli ng tawad kung sinabihan ko si Maria na umalis sa mundong ito. Kinailangan kong gawin 'yon kundi ay papatayin nila tayong dalawa at kukunin si Maria." Sagot ni Emanuel. "Inutusan ko rin siya na burahin ang mga alaala mo noong kaarawan ko."

"Sa tingin mo ba ay makakalimutan ko ang araw na 'yon? 'Yon ang isa sa pinakamasayang kaarawan ko, Emanuel. Dahil nandoon ka, dahil nandoon si Maria. Pero iniwan niyo ako eh." Mapait na napangiti si Saito. "Noong dumating dito si Nikita, unang sumagi sa isip ko na baka anak mo siya o 'di kaya ay anak ng iba sa mundo nila. Akala ko.. ang nangyari sa 'min noon ay isa lang panaginip."

Emanuel laughed. Humiga siya sa lupa habang nakatingin kay Saito.

"Masaya ako na nakita at nakasama mo si Nikita. Masaya ako na nasabi ko sa 'yo lahat bago pa mahuli ang lahat. Masaya ako na makakapag-usap na tayong muli kagaya ng dati. Masaya ako.. masayang-masaya, Saito." Mahinang sabi ni Emanuel.

Ninja's Love (Shinobi #1)Where stories live. Discover now