Dalawampu't isa

15 4 0
                                    

Aydan's POV

Nag-ensayo kami simula madaling araw hanggang mag gagabi na. Nag-ensayo kami na parang wala ng bukas. This upcoming Chuunin exam is where our hard work will be paid off.

Ito na ang huli naming pag-eensayo bago ang pagsusulit. Sa nakalipas na dalawang araw ay masasabi kong naibigay na namin ang lahat na mayroon kami. We can feel the tension, the pressure, the excitement and the fatigue from training. But these feelings didn't make us waver from our conviction to win and to be the next Chuunin ninjas of our Village.

Isa ito sa mga araw at pagkakataon na hindi kailangan balewalain o sayangin. Isa ito sa mga pangarap ko, bilang isang ninja at bilang isang mamamayan ng bayan ng Ki.

"Late si Refix." I looked down at Nikita. Nakaupo ako sa hamba ng tulay habang siya ay nakaupo sa lapag, yakap-yakap ang kanyang mga tuhod.

"Baka naihi na sa kama niya sa sobrang kaba?" Pagbibiro. Pero sa totoo lang, kahit ako ay kanina pa kinakabahan.

"Kahit ako ay hindi ko mawari kung ano ba ang nararamdaman ko." She stand up and face the divine tree in front of us. "I can feel the excitement but at the same time nervousness."

"Tiwala lang, hon. We can do this." She flashed a small smile.

"I know. I'll do anything for you to be a Chuunin, Aydan. I won't be a burden." Bumaba ako sa railings at nilapitan siya. I hold her hand and gently caress it.

"Kahit kailan ay hindi ka naging pabigat sa 'kin, honey." Mahinahon na sagot ko sa kanya at hinalikan ang kanyang kamay.

Napalingon kaming dalawa sa aming likuran ng marinig namin ang sumisigaw na boses ni Refix hindi kalayuan sa 'min.

"Sorry! May nakita kasi akong matanda doon sa may labas ng bahay ko kaya tinulungan ko muna! Hehehe.." Hinihingal na huminto sa harapan namin si Refix.

"As if maniniwala kami sa'yo." Sanay na sabi namin ni Nikita.

"Totoo kaya!" Salubong ang kilay na sabi nito.

"Yeah, yeah. Tara na baka malate pa tayo lalo." Nagsimula na kaming maglakad papunta sa hall kung saan gaganapin ang seremonya ng pormal na pagsisimula ng Chuunin exam.

Tumigil kami sa harapan ng nakasarang pintuan. Mula dito sa labas ay maririnig ang samu't saring boses na nanggagaling sa loob ng kwartong nasa harapan namin. Malalakas na boses at tawanan. Ilang beses akong lumunok habang pinapakinggan ang mga tawanan. Kung kinakabahan man ako ngayon ay alam ko na mas kinakabahan ang dalawa ko pang kasama.

"Oras na buksan natin ang pintuan na 'to ay hindi na garantisado ang mga buhay natin. Maaaring malagay sa alanganin ang buhay natin." Seryosong paliwanag ko sa kanila.

"Alam namin 'yon, Aydan. Pero ito na eh, ito ang desisyon namin, natin. Magkakasama namin itong malalampasan." Sagot naman ni Refix at tinapik ang balikat ko pagkatapos.

"Maipapasa natin ang pagsusulit na 'to at magiging Chuunin tayo ng magkakasama."  Nakangiting sabi ni Nikita at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

"This is it." Huminga kami ng malalim at sabay-sabay naming binuksan ang pintuan ng hall.

Lahat ng mga mata ay nakatuon sa 'min. Matatalim, namamangha, at nakangiting mga mata ang sumalubong sa amin. Mga taong nagkwekwentuhan at nagtatawanan. Mga taong matatalim at mukhang may galit kung tumingin. Mga taong may palakaibigan at palangiting mga labi. People with different abilities. People which have different intentions, whether good or bad. Mga tao na pinili ng kani-kanilang mga Kapitan dahil sa may potensyal at may abilidad sila na maaaring magamit sa darating na mga araw.

Ninja's Love (Shinobi #1)Where stories live. Discover now