Dalawampu't walo

16 4 0
                                    

Aydan's POV

Buhat-buhat ko ang katawan ni Nikita sa aking mga bisig. Sabi niya ay gusto niyang umuwi na sa bahay. Naglalakad kami ngayon pabalik sa bahay namin. Sa tingin ko ay napagod siya sa pagsusulit na 'to at dahil na rin sa mga sugat na natamo niya kaya nakatulog siya. Gagamutin ko ang mga sugat niya kapag nakauwi na kami sa bahay. She lost lots of blood. I'll just donate my blood, we have the same blood type anyway.

"Malapit na tayo, hon. Konting tiis na lang." Mahinang bulong ko sa kanya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa may matanaw akong isang building.

"Tumigil muna tayo sa building na 'to 'no, hon? Maghanap tayo ng pwede nating magamit sa mga sugat mo." Naglakad ako papunta sa building. Nang nasa harapan na ako nito ay biglang bumukas ang pintuan.

Bumungad sa 'min ang mukha ni Refix at isang babae.

"Hey, Refix." Ngumiti ako sa kanya ngunit bumaba lang ang kanyang paningin kay Nikita. "Natutulog lang siya. Napagod siguro siya. Siya nga pala, nakahanap ka ba ng isang medical ninja o kahit na med kit man lang para magamot ang mga sugat niya?"

Unti-unti niyang itinaas ang kanyang kanang kamay at itinuro ang kanyang katabing babae.

"Isa siyang medical ninja." Mahinang sagot nito.

"Kumusta! Ako si Aislyn West. Maaari mo ba siyang ibaba? Gagawin ko ang makakaya ko." Nagmamadali nitong sabi.

"Gamutin mo nalang ang mga sugat niya. Natutulog lang siya, hindi pa siya patay." Matigas na tugon ko sa kanya.

Hindi niya ako pinapansin at pilit na ipinapababa si Nikita. Dahan-dahan kong ibinaba sa loob ng building si Nikita. Nanatili ako sa kanyang tabi habang itinatapat ng babae ang kanyang kamay sa dibdib ni Nikita.

Ilang minuto na ang nakalikipas ngunit hindi nawawala o nagagamot ang mga sugat ni Nikita.

"Miss, bakit hindi nagagamot ang mga sugat niya?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Hindi tinatanggap ng katawan niya ang jutsu ko. At isa pa, hindi na tumitibok ang puso niya." Mahinang bulong nito.

"Miss.. Hindi pa nagagamot ang mga sugat niya." Muling sabi ko sa kanya.

Nanatili siyang ganoon ang posisyon hanggang sa hinihingal na napayuko siya sa kanyang kinauupuan.

"Miss... Hindi pa nagagamot ang mga sugat niya. Bakit hindi mo sila ginagamot?" Salubong ang kilay na tanong ko sa kanya.

"Ginoo, kahit na anong gamot ko sa mga sugat niya, hindi na siya mabubuhay pa."  Lumingon siya sa 'kin ng seryoso at paulit-ulit na lumunok. "Patay na siya. Mag-iisang oras na siyang patay. Kanina pa patay ang kasama mo, Ginoo."

Nagpintig ang dalawang tainga ko sa aking narinig. Unti-unting nabuo ang inis at galit sa aking dibdib. Matatalim ang mga matang binalingan ko ng tingin si Refix. Nabigla si Refix sa aking paglingon kaya napaurong ito ng ilang beses.

"Refix! I told you to find a medical ninja! This is one isn't a medical ninja!" Galit at sumisigaw na sabi sa ko sa kanya.

"She's a licensed medical ninja in our Village, Aydan." Mahinahong sagot sa akin ni Refix.

"She isn't! Pilit niyang sinasabi na patay na si Nikita! She's not dead!" Matatalim ang mga matang binalingan ko ng tingin ang babae. "Nikita is not dead! Iuuwi ko na siya, you're not a good medical ninja."

Dahan-dahan kong binuhat muli si Nikita sa aking mga bisig at naglakad palabas ng building. Iniwan ko doon ang medical ninja na kasama ni Refix kanina, na mababakas sa kanyang mukha na wala siyang naintindihan sa mga sinabi ko.

Ninja's Love (Shinobi #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat