Ikatlo

26 4 0
                                    

"Ang bigat mo naman, Nikita!" Reklamo ni Refix habang patuloy siya sa pagsunod kina Kapitan Bexley at Aydan. "Tignan mo oh, nahuhuli na tuloy tayo."

"Paumanhin." Nahihiyang sabi ko. Nilingunan niya ako sa kanyang balikat.

"Hala! Biro lang 'yon!" Natatawa nitong sabi. I just smiled at him. Nakaka-shy naman ang mga biro nito.

Makalipas ang mahigit kalahating oras na pagtalon sa mga sanga ng puno ay bumaba rin kami sa wakas sa lupa.

Nilapitan namin ang mga kliyente naming naghihintay sa isang malaking boulder. Nakatago sila doon at tahimik na naghihintay.

Pagkalapit namin ay kinausap sila ni Kapitan Bexley. Lumapit naman ako sa batang babae.

"Hi! Anong pangalan mo?" Malambing na tanong ko sakanya.

"Ako po si Demi." Mahinang sagot niya. How cute!

Hahawakan ko sana siya ng tawagin ni Kapitan Bexley ang pangalan ko.

"Bakit po?"

"Marunong ka bang makipaglaban? Pasensya na ngayon ko lang naitanong."

"Opo. Pinag-aral po ako ni Mama ko."

"Mabuti." Sagot nito. Tatalikod na sana siya ng bigla ko siyang tawagin.

"Kapitan Bexley!" Bahagyang sigaw ko at lumingon naman siya kaagad.

"Ano iyon, Nikita?"

"Maaari ko po ba kayong tawaging 'Sir Bexley'?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman." Bahagya itong ngumiti sa 'kin. Nagpasalamat ako sa kanya pagkatapos. This way, hindi na ako mahihirapang tawagin sila.

Tumalikod na siya pagkatapos at inanunsyong magsisimula na kami sa paglalakbay.

Nasa may gitna ako kasama ang mga merchants habang buhat-buhat nila ang mga produktong dadalhin nila pabalik sa kanilang bayan.

Refix is on the back kasama si Aydan while si Sir Bexley ay nasa harapan. He's informing us kung may panganib na darating. After an hour of walking, nagpasya muna kaming magpahinga.

Pumwesto ako sa may lilim ng puno at doon nagpahinga. How relaxing. Sumakit ang dalawa kong paa sa paglalakad. Nakaka-amaze na natitiis ito nila Aydan. Imagine, 1 hour or more of walking tapos delikado pa ang madadatnan mo.

"Nikita!"

Mabilis na nakaiwas ako sa kunai na paparating sa aking direksiyon. That was close! Mabilis na pinalibutan namin ang mga merchants at naging alerto sa aming paligid.

Nabalot ng kaba at takot ang mga mangangalakal at niyakap ng mahigpit ang mga produktong hawak nila.

Hindi nagtagal ay isa-isang nagsilabasan ang mga bandido na may hawak na mga patalim. Malalaki ang mga katawan ng mga ito at may bandana sila sa kanilang mga ulo.

"Mga taga bayan ng Ki! Kayo na naman! Kayo nalang palagi ang nakikita namin sa tuwing may gagawin kami!" Galit na sigaw ng isang may katabaan ang katawan mula sa kanila. Siya siguro ang leader sa kanilang grupo.

"Mga bandidong ninja ng bayan ng Usa! Kayo na naman! Kayo nalang palagi ang nakikita namin kapag may ganitong klase ng kaso!" Panggagaya sa kanya ni Refix.

"Tumigil ka pangit na taga bayan ng Ki! Isa pang angal mo diyan bubutasin ko yang lalamunam mo!" Nanggagalaiting sabi ng leader nila. Nagmake-face lang si Refix at iniinis pa lalo ang mga ito.

Ninja's Love (Shinobi #1)Where stories live. Discover now