Ikaapat

24 4 0
                                    

Mahigit isang linggo na akong nandito sa mundo ng mga ninja. For the past few days, palagi akong nandito sa training ground ng bayan kasama si Aydan. He said before na tutulungan niya ako sa training na gagawin ko.

"Nikita, hindi sabi ganyan ang tamang paghawak ng kunai!" Sigaw sa akin ni Aydan at inis na nilapitan ako.

Hinawakan niya ang kamay ko at inayos ang pagkakahawak ng kunai sa aking kamay.

"Ganyan dapat." Inalis niya sa aking kamay ang kanyang tingin at inilipat ang mga ito sa aking mukha. "Kailangan mong mag pokus, Nikita. Marami ka pang kailangang matutunan."

"I'm trying." Mahinang sabi ko.

"Huwag mo 'kong daanin sa mga ganyang salita, Nikita." Bumalik siya sa kanina niyang pwesto at humarap sa akin. "Sugatan mo ako. Labanan mo ako na para bang nasa linya ang buhay mo."

Lumunok ako ng laway at ilang beses na huminga ng malalim. Being a ninja is hard. Hindi lang basta-basta ang training na kailangan mong pasukan para matawag na ninja.

Yes, it is cool. It's cool being called a ninja. Pero kaakibat din nito ay ang panganib na hindi mo alam kung kailan darating. Panganib na anumang oras ay hahabulin ka at hihilahin papunta sa kadiliman.

"Ahhh!"

Mabilis na iwinasiwas ko ang hawak kong kunai at pilit na sinusugatan si Aydan. But nothing happened, not even a small scratch.

"Haaaa!"

Lumusob akong muli sa kanya pero kaagad na nasipa niya ang kamay kong may hawak na kunai. Tumilapon ito sa may sulok.

Habol-habol ko ang aking hininga at napahawak sa magkabila kong tuhod. Habang siya ay tuwid na nakatayo at seryosong nakatingin sa akin.

"Nikita." His voice sent shivers down my spine. Ito ang oras kung saan katatakutan mo si Aydan. Ito ang senyales na nauubos na ang pasensya na baon niya para sa akin.

"Y-yes?" Kabado kong tanong at dahan-dahang tumingin sa kanya.

Nginitian niya ako na naging dahilan ng pagkawala ng dalawa niyang mata. Naninindig ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa ngiting ibinigay niya.

"Anong gusto mo? Susugatan mo ako o ako ang susugat sa iyo?" Malamig ang boses na sabi niya.

Ilang beses akong lumunok at nanunuyo na ang lalamunan ko dahil sa kaba. Ito na ba yung sinasabi ni Refix?

"Huwag mong gagalitin si Aydan. Lalo na kapag pag-eensayo ang pinag-uusapan."

"Bakit? Nagiging halimaw ba siya kapag nagagalit?"

"Makikita mo."

Bigla nalang nanumbalik sa aking alaala ang sinabi sa akin noon ni Refix. Hindi ko naman gustong mangyari ito. Kung ako lang, kanina ko pa gustong matapos ang training na ito.

"A-ako nalang ang susugat sa iyo, Aydan." Nanginginig ang labi na sabi ko sa kanya.

"Bibigyan kita ng mga ideya." Itinaas niya ang isa niyang daliri. "Kapag hawak mo ang kunai at may kalaban kang kaharap, huwag kang mawawalan ng konsentrasyon. Gumalaw ka ng normal kagaya ng kung paano ka makipaglaban. Pero... huwag mong kakalimutan na maliban sa lakas ng katawan at galing mo sa pakikipaglaban, mayroon kang isang sandatang hawak na siyang magiging kasangga mo."

Tahimik na nakinig ako sa kanyang explanation.

"Pangalawa." Nagtaas siyang muli ng isa pang daliri. "Oras na nagawa mo na ang una, gawin mong bahagi ng katawan mo ang kunai. Gamitin mo ito bilang panangga at sandata mo."

Ninja's Love (Shinobi #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang