Ikalabing-walo

22 4 0
                                    

Someone's POV

"Kumusta ang iyong misyon?" Pambungad na tanong ko sa lalaking nasa harapan ko.

"Maayos po, Binibini. Maayos namang naipadala ang mga produkto sa bayan ng Narra." Magalang na sagot niya sa 'kin.

"Mabuti kung ganun. Sige na, makakaalis ka na." Umupo ako sa aking upuan at sumandal dito.

Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan ang mga ito na mamahinga muna dahil kailangan kong maglibot mamaya para matingnan ang mga nangyayari sa labas. Dalawang taon na simula ng maidestino ako dito sa bayan ng Kofi. Noong araw na iyon ay nangangailangan ang bayan na ito ng isang taong mag-aalaga at magbabalik ng sigla nito. Simula kasi ng mamatay ang pinuno ng bayang ito ay umusbong ang mga walang pusong mga tao. Mga magnanakaw ng mga pera, pagkain, at pati na mga kagamitan ng mga mamamayan dito. Hanggang sa dumating kay Bossing ang balitang ito at noong pipili na sana siya ng ipapadala dito ay nagpasya akong ako nalang ang piliin.

Noong una ay nahihirapan akong kunin ang loob ng mga mamamayan dito, pero hindi nagtagal ay naintindihan rin nila kung ano ang pakay ko. At sa loob ng dalawang taon na nandito ako, masasabi ko na unti-unting nawawala ang mga krimen na nangyayari dito, at bilang nalang sa mga daliri ko ang mga krimeng nangyayari. At 'yon ay dahil may mga suwail at matigas pa rin ang ulo na sumusuway sa kapayapaang nais namin.

"Magandang umaga, Binibini!" Ang bati sa 'kin ng mga matatandang babae.

"Magandang umaga din po sa inyo! Mag-iingat po kayo sa paglalako!" Nakangiti kong bati sa kanila.

Nawala ang ngiti ko ng maramdaman kong nag-iingay ang telepono ko sa bulsa. Kunot noo ko itong kinuha at tiningnan kung sino ang tumatawag. Unti-unting nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino ito. Mabilis na sinagot ko ito.

"Magandang umaga, Boss!" Magalang ma bati ko sa kanya.

["Matagal-tagal na rin. Kumusta ka?"] Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang boses nito. May bahid pa rin ng lamig at kaseryosohan ang kanyang boses.

"Ayos lang, Boss. May kailangan po kayo?" Kaagad na tanong ko, dahil alam kong hindi siya basta-basta tatawag para lang mangamusta.

["Mabilis ka pa rin kung makahabol sa mga nangyayari."] Napangiti ako ng marinig ko siyang tumawa ng bahagya. ["May misyon ako para sa 'yo."]

"Ano 'yon, Boss?"

Ipinaliwanag niya sa akin kung ano ang magiging misyon ko habang ako naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanya.

Habang nakikinig ako, may nalaman ako. Ang misyon na ibinigay niya ay hindi madali para sa 'kin. Hindi ko inaasahan sa ganitong klaseng misyon pala ako makakahanap ng pagkakataon para makita siyang muli.

["Naiintindihan mo ba?"]

"Oo, Boss!" Mabilis na sagot ko at pinatay na niya ang tawag matapos magpaalam.

Napasandal ako sa puno na malapit sa 'kin at hinilot ang aking sintido. Hindi nagtagal ay sarkastiko akong natawa. Nakakabaliw ito. Alam niya ang sitwasyon mo tapos ganitong klaseng misyon ang ibibigay mo sa akin? Dahil ba alam mo na hindi ako hi-hindi sa 'yo?

"Napakasama mo talaga, Boss." Mahinang bulong ko habang mahigpit na ikinuyom ko ang aking mga kamay.

Matapos ang ilang minutong pag-iisip ay binuksan kong muli ang aking telepono at may tinawagan. Matapos ang ilang tunog ay sinagot din niya ang tawag.

"Matagal-tagal na rin." Paunang bati ko sa kanya.

["Anong kailangan mo?"] Walang ganang tanong niya sa 'kin.

Ninja's Love (Shinobi #1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum