Dalawampu't pito

15 4 0
                                    

Habang patuloy sa pagtakbo sina Refix at Nikita, nagpa-iwan si Aydan upang tapusin ang laban sa pagitan nila ni Kermin.

Nakatayo siya sa harapan ni Kermin at nakatingin dito. Yumuko siya kay Kermin habang nananatiling seryoso ang kanyang mukha at walang mababakas na kahit na anong emotions sa kanyang mga mata.

"Dalawang atake na lang. Tatapusin na kita sa susunod na mga atake."

Tumalon ng dalawang beses paurong si Aydan at kinuha ang wire sa kanyang bag. Inihagis niya ito kay Kermin na siyang pumulupot sa kanyang mga kamay, paa, at katawan. The wire that he threw disabled Kermin from moving and attacking.

"Huwag! Pakiusap, pakawalan mo ako." Naiiyak na pagmamakaawa sa kanya ni Kermin.

But Aydan didn't bulged. Seryoso parin ang kanyang mukha habang nakahawak sa magkabila niyang kamay ang wire na nakapulupot sa mga kamay at paa ni Kermin habang ang kanyang ngipin ay kagat-kagat ang isa pang string ng wire kung saan naman nakapulupot ang katawan ni Kermin.

Habang may wire na nakaipit sa kanyang mga ngipin, hindi nagpaawat si Aydan na bumigkas ng isang atake.

"Elemento ng Apoy: Bola ng Apoy!"

Mabilis na dumaloy ang apoy mula sa bibig at kamay ni Aydan papunta kay Kermin. Hindi nagtagal ay tanging boses na lang ni Kermin ang naririnig sa lugar na 'yon. Boses na dulot ng sakit at hapding ginagawa ng apoy ni Aydan.

Mabilis na tumakbo palayo doon si Aydan at humabol kina Nikita at Refix. Habang tumatakbo siya ay unti-unti na niyang nararamdaman ang pagod at sakit ng kanyang mga sugat. He didn't know why, pero habang nakikipaglaban siya kanina kay Kermin ay tila biglang nawala ang pagod at sakit na nararamdaman niya sa kanyang mga sugat.

Sa kabilang banda, tumigil sina Refix at Nikita sa likod ng isang puno. Tumingin sila pabalik sa lugar na pinag-iwanan nila kay Aydan.

Hindi sila kalayuan sa lugar na 'yon at makikita ang pagkabigla sa kanilang mga mukha at mata ng makita nilang nasusunog ang lugar na 'yon.

"Aydan.. Refix, si Aydan." Wala sa sariling bulong ni Nikita.

"Hindi.. Babalik siya sa 'tin. Buhay siya, Nikita." Sagot sa kanya ni Refix.

But deep down their hearts, fear and doubts ate them. Fear for what happened to Aydan and doubts if he will be back again.

Nakatulala silang nakatingin sa lugar na 'yon habang nasusunog ito. Ilang minuto silang nakatulala hanggang sa may marinig silang kaluskos malapit sa kanila.

Naging alerto silang dalawa sa kanilang narinig.

"Nikita, maging alerto ka." Pagpapaalala sa kanya ni Refix.

Dahan-dahan silang naglakad palapit sa kung saan nanggaling ang kaluskos at gumagalaw na halaman. Nakahawak sila ng mahigpit sa kanilang kunai at napapalunok ng ilang beses.

They are not ready yet for another fight. Kakalayo lang nila sa kamatayan kanina.

Nabigla at napasigaw sila ng matumba sa harapan nila ang katawan ng isang lalaki.

"Aydan! Oh my god! Aydan!" Mabilis na nilapitan nila siya at pinangko.

Isinandal nila si Aydan sa isang puno habang nanghihina at humihingal ito.

"Hey, ayos ka lang?" Tanong sa kanya ni Refix.

"M-mukha ba a-akong o-okay?" Hinihingal sa sagot niya.

"Sabi ko nga hindi ka okay eh." Mahinang bulong ni Refix.

"Kumusta siya? Is he dead?" Tanong naman ni Nikita.

Ninja's Love (Shinobi #1)Where stories live. Discover now