Ikalawa

26 4 0
                                    

Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa labas. Kinusot ko ang aking mga mata at humikab. Pupungas-pungas akong lumabas ng aking kwarto at dumiretso sa sala.

"Aydan! Ano ba?! Anong oras na, mahuhuli na tayo sa pagpupulong!"

Sigaw at katok ang nagdudulot ng ingay na nagmumula sa labas. Tinungo ko ito at binuksan ang pinto.

"Ano bang kailangan mo? Ang aga-aga ang boses mo kaagad ang pinapagana mo." Tamad at may bahid ng inis na sabi ko kay Refix ng akma na naman itong sisigaw at kakatok.

"Uy! Nasaan si Aydan? May pagpupulong pa kasi kami na dadaluhan eh, baka mahuli kami." Opposing my voice, ang boses na sinalubong sa akin ni Refix ay masigla at malakas.

"Nasaan loob." Pinagbuksan ko siya ng pinto at hinayaang gawin ang gusto niya.

Dumiretso naman ako sa kusina at naghanap ng pwede naming makain. I saw canned goods, breads, fruits, veggies, meats, hotdogs, eggs, and sausages.

Kumuha ako ng mga itlog at sausage at ipinirito ang mga ito. I placed 3 plates sa table at naglagay ng tig-dalawang tinapay. It may look like I am feeling at home, pero ganoon naman talaga 'yon.

Naghiwa ako ng lettuce at nilagay iyon sa ibabaw ng mga tinapay at hinintay maluto ang mga piniprito ko kanina.

Pumasok si Refix sa loob ng kusina at umupo sa isang upuan.

"Anong niluluto mo, Nikita?" Inosenting tanong niya habang nakatingin sa ginagawa ko.

"Sandwiches." I uttered.

"Sandwiches?" Takang tanong niya sa 'kin. Oh, I forgot! Hindi pala sila marunong ng English. Hayaan mo na, hindi ko rin alam ang Tagalog ng sandwich.

Inilagay ko sa isang plato ang mga itlog at sausage tsaka ko ang mga ito pinatuyo.

"Refix, pakuha naman ako ng kamatis."

"Ilan ba?"

"Lima."

Hiniwa ko ang mga itlog ng kalahati, ganoon din sa mga sausages.

"Heto."

Kinuha ko ang mga kamatis at hiniwa. Pagkatapos ay nilagay ko sila sa ibabaw ng lettuce.

"Nasaan si Aydan?" I asked habang isa-isa kong sunod na nilagay ang mga itlog at sausage.

"Maliligo lang daw."

Pagkatapos kong inilagay ang mga ito ay kamatis na naman ang nilagay ko at ang sunod ay ang lettuce. Nang tama ang pagkakalagay sa lahat ng mga palaman ay ipinatong ko ang isang natitirang tinapay.

Kumuha ako ng bread knife at hiniwa ang mga sandwich sa dalawa. Ginawan ko ang mga ito ng plating kung saan nakalagay sa plato ang mga natirang lettuce, kamatis, itlog at sausage.

"Tadaaa!"

Nakangiti kong ipinakita kay Refix ang finished product na gawa ko.

"Ohh! Mukhang masarap 'yan, Nikita!" His eyes sparkled at kukuha na sana ng tampalin ko ang kanyang kamay.

"Mamaya na. Wala pa si Aydan."

Hinintay naming pumasok ng kusina si Aydan bago namin sinimulang kainin ang ginawa kong breakfast.

"How was it? Masarap ba?" Nakatingin ako kay Aydan at hinihintay ang kanyang sagot.

"Oo!" Nakangiti kong tinapos ang aking pagkain at hinugasan ang mga pinagkainan namin.

"Nikita, maligo ka na. May pupuntahan pa tayo." Binalingan ko si Aydan ng tingin at tanging likod na lang niya ang nakita ko.

"Magde-date kaya kami? Hehehe..." Mabilis na nagtungo ako sa banyo at naligo. Just kidding!

Ninja's Love (Shinobi #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora