Ikalabing-dalawa

29 4 0
                                    

A soft and warm touch woke me up. Iminulat ko ang aking mga mata ng dahan-dahan. Bumungad sa aking harapan ang nakadungaw na mukha ni Aydan.

“Aydan.” I whispered and used my remaining strength to lift myself up. “Anong ginagawa mo dito?”

“Kumusta ang pakiramdam mo?” He asked, dismissing my question.

“Ayos lang ako.” Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. “Bakit ako nasa bahay? Kumusta ang pag-eensayo mo?”

“Nawalan ka ng malay matapos mong matapos ang pag-eensayo mo.” His lips moved slowly. I was just staring at them.

“Oh.” Tanging sagot ko habang nakatitig pa rin sa kanyang mga labi.

“Anong tinitignan mo? Ayos ka lang ba talaga?” He moved his lips sexily.

“Your lips.” Mahinang bulong ko.

I heard him chuckled which made his lips moved more seductively. Napabuka ang aking bibig at napasinghap ng hangin.

Mabilis na iniiwas ko ang tingin sa kanila at napahinga ng malalim.

“This is insane.” Bulong ko sa sarili ko.

“Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi mo, Nikita.” Bahagyang nakangiti na sabi niya.

“Oh, pasensya na.” Opposing my words, I am not sorry na hindi niya naintindihan ang mga sinabi ko. That would be embarrassing!

“Ikaw ba'y nakatingin sa aking mga labi, Nikita?” He said teasingly.

“Huh? I… Bakit ko naman titignan yang mga labi mo?! May labi din ako ‘no!” Tanggi ko sa kanyang pang-aakusa.

“Oh, bakit nga ba?” Tanong niya pabalik sa ‘kin.

“Tama!! Hindi ko titignan yang mga labi mo!” Pilit na tanggi ko.

Hindi ko siya matignan sa mukha at kapag naman sinusubukan ko ay kaagad na tumititig sa kanyang mga labi ang aking mga mata.

“Kung ganoon, nais mo bang kumain?” Pag-iiba niya sa usapan.

“Sige.” Ang tanging sagot ko.

Pilit kong iniiwasan ang mapatingin sa kanyang mga labi. Nakatingin lang ako sa kanyang noo.

“Ngayon naman ay sa aking noo ka nakatingin.” Nakangisi nitong sabi.

“A-ang ganda k-kasi ng noo mo.” I said.

“Talaga? Anong mas maganda, ang noo ko o ang mga labi ko?” His voice became husky.

“Labi mo. No! I mean, yung noo mo.” Awkward akong napatawa at nagpadausdos sa aking kama.

He laughed hard until his eyes cried. Nagtalukbong ako ng aking kumot at doon inilabas ang nararamdaman ko. Waaaaa this is so embarrassing!

Omg! What am I doing?! Anong kabaliwan ba ito, Nikita? Saang planeta mo ba napupulot ang mga kabaliwang mayroon ka?! Wait! What if epekto ito ng training ko? What if nasa loob ako ng isang genjutsu?

Natigil lang ako sa aking pakikipag-usap sa aking sarili ng maramdaman kong unti-unting bumababa ang kumot.

“Nanghihina ka parin ba, Nikita?” He asked ng naibaba niya ang kumot sakto lang upang makita ang aking mukha.

“Konti lang.” Pag-amin ko.

“Sige. Magpahinga ka muna, magluluto lang ako ng hapunan natin.” He kissed my forehead before he left my room.

When I made sure that I was all alone, I touched my forehead and felt my cheeks turn red.

“Oh my god.” Suminghap ako at tulalang nakatitig sa kisame.

Ninja's Love (Shinobi #1)Where stories live. Discover now