Ikapito

26 4 0
                                    

In my whole life, I never thought na makakapunta ako sa ganitong klaseng mundo. Ni hindi man nga sumagi sa isipan ko na baka totoo ang mga ninja. 

But here I am, nakatayo sa gitna ng labanan sa pagitan ng mga ninja. A rogue ninjas and a true ninja. A bad one and a good one. Isang lumiko ang paniniwala at isang pinatatag at diretso ang paniniwala. 

But what most shocked me maliban sa hindi inaasahang pagtira ko dito ay ang mga nakakamanghang mga galaw na ipinapakita nila sa amin. 

I thought that ninjas only used their swords, kunais, and shuriken. When I came here, I learned that they’re using taijutsu. A technique wherein you use your combat skills to fight. 

And now this ninjutsu they are talking about. Kung sina Aydan na tunay na taga-rito sa mundo ng mga ninja ay walang alam, paano pa kaya ako? 

“Elemento ng Apoy: Bolang Apoy.” 

Nawindang ang katawang lupa ko ng magbigkas si Sir Bexley ng mga katagang hindi kami familiar. At ang mas nakakagulantang ay ang paglabas ng pabilog na apoy mula sa kanyang bibig. 

“Wha-what the..?!” 

“A-ap-apoy!” 

“Waaaa!” 

Sabay-sabay na sigaw naming tatlo. Sino bang hindi mabibigla? Apoy lumabas sa bibig? Ano siya? Magician na kayang lumunok at magbuga ng apoy?! 

“Mahusay!” Nasisiyahang sigaw ng isa sa mga kalaban. Napunit ang isa nitong sleeve dulot ng apoy na ibinuga ni Sir Bexley. 

“Ngayon hindi na kami manghihinayang na paslangin ka.” Sabi naman ng isa pa na nawala na ang maskarang nakatakip sa kanyang mukha. 

He has these menacing eyes with him. Eyes that mirrored his blood lust. 

“Ikinagagalak ko.” Walang emosyon na sagot ni Sir Bexley. 

Sabay na tumakbo sa magkabilang gilid ni Sir Bexley ang dalawa at sabay ring nagbigkas ng mga panibagong mga salita. 

“Elemento ng Lupa: Bola ng mabibigat na Putik!” May sunud-sunod na pabilog na putik ang bumulusok sa direksiyon ni Sir Bexley ng malakas na apakan ng lalaking nakamaskara ang lupa. 

“Elemento ng Hangin: Umiikot na Hangin!” Sunod na umatake ang lalaking walang maskara. Pwersahan niyang itinulak ang palad niya katapat ng direksyon ni Sir Bexley at may malakas na hangin ang mabilis na nagpaikot-ikot sa ere. 

“Elemento ng Lupa: Pananggang Lupa.” May isang malaking solidified na putik ang humarang sa harapan namin. “Elemento ng Tubig: Buhay ng Ki!” Sa isang iglap, bumulusok sa magkabilang direksiyon ang tubig and nullified the attacks that was release by the enemies. 

I blinked not just twice, maka-ilang beses akong kumurap at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa aking mga nakikita. 

“Wow.” Namamanghang sabi ni Refix. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa putik at hinawakan ito. “Tunay na nakakamangha.” 

He’s right. This is incredible. But dangerous at the same time lalo na kung wala kang alam dito. 

Unti-unting nawala ang nakaharang na putik sa harapan namin. Nakikita na namin si Sir Bexley at ang mga kalaban niya. 

“Sir!” 

“Sir Bexley!” 

Sigaw namin ng bumungad sa amin ang nangyayari. Tumilapon si Sir Bexley at tumama ang kanyang likuran sa isang puno. 

“Awww.” Pang-iinis ng lalaking walang maskara. “Napakabait at lambing naman pala ng mga kasamahan mo.” 

“Kung bigyan kaya natin sila ng regalo?” Nakataas pa ang isang daliri nito habang nagsasalita. 

Ninja's Love (Shinobi #1)Where stories live. Discover now