Tatlumpu't tatlo

10 4 0
                                    

It's the feeling when someone dear to you left you. The feeling of loneliness.. The feeling of fear... Despair.. Regrets.. Resentment to the one who did that to you. To the one who took him or her to you.

Anger.. Anger building in every inch of their body.. Resentment.. Despair.. That's Nikita and Saito's feelings.

Pareho lang silang nakatulala sa harapan habang yakap-yakap ang malamig na katawan nina Arriela at Emanuel. Their dead face has a smile on it. Nakangiti nilang iniwan ang mundo.

"Ganyan ba ang paninindigan ng mga ninja sa bayan ng Ki? Huh, Saito?!" Nakangising sigaw ni Mandelion. "Hinahayaan mo bang mamatay ang mga mamamayan mo, ang kapatid mo?! Ganyan bang klase ng pagprotekta ang mayroon ka?!"

"Hindi mo sila kayang protektahan ng mag-isa. Dito.. Sumama ka sa akin! At pamumunuan natin ang mundo. Halika.. Nikita, Saito.. Hali kayo! Kung magkakasama tayo, tayong tatlo, maaari nating baguhin ang mundo na 'to. Pamumunuan natin ang mundo!" Tumawa ng napakalakas si Mandelion na parang baliw. "Halikayo, Saito, Nikita. Gawin nating sa atin ang mundo! Gawin natin ang mundo ng naaayon sa 'ting kagustuhan!"

"Sinong tao ang gustong sumama sa 'yo?" Natigil sa kanyang pagtawa si Mandelion ng marinig ang malamig na boses ni Saito. "Sinong tao ang nasa kanyang tamang pag-iisip ang gustong makasama ka?!"

"Saito, gumising ka! Kailangan kita, kailangan mo ako. Maaari nating pamunuan ang mundo! Kalimutan mo na ang patay mong kapatid, kalimutan mo na ang mga mamamayan mo. Ikaw, ako at si Nikita. Pamumunuan natin ang mundo na ito! Magiging masaya tayong tatlo!" Nanlalaki ang mga mata at nakangising sagot sa kanya ni Mandelion.

"Sinong tao ang gustong iwan ang mga mahal nila sa buhay para lang sa ganyang klase ng rason? Sinong tao ang gustong kalimutan ang kanilang mga pamilya, ang kanilang mga kaibigan, para lang pamunuan ang mundo?! Sino ang gustong sumama sa 'yo, ikaw na pumatay kay Arriela at sa Uncle ko, at ang kapal ng mukha mo na imbitahin kaming umanib sa 'yo?! Sinong tao ang gustong maging miserable katulad ko?! Sinong tao ang gustong maging katulad mo?!" Galit na galit na sigaw ni Nikita. Napatayo pa siya sa kanyang kinauupuan habang galit na nakatingin kay Mandelion. "Anong karapatan mong ngumisi at tumawa na parang wala lang ang nangyari, huh?! Anong karapatan mo para kunin ang buhay ng Tiyo ko at ng kaibigan ko?! Anong karapatan mo?! How dare you, you damn bastard!!"

"Huwag kang mag-alala, Nikita.. Pwedi mo namang gamitin ang kapangyarihan mo at burahin ang mga alaala na mayroon ka kasama sila. Kalimutan mo nalang sila!" Tumatawang sagot sa kanya ni Mandelion.

Kumuyom ang dalawang kamay ni Nikita sa kanyang narinig. Nagningas din ang galit sa kanyang kaloob-looban kagaya ni Saito. He's preventing himself from exploding. He's preventing himself from destroying the Village. He is the Kipeji and he needs to protect the Village. Hindi niya ito pwedeng sirain. But time and fate really is testing him. Being disrespected.. Hearing his brother being disrespected by a scum like Mandelion gives him a hundred storey high of anger. Hearing his daughter being asked to forget about her Uncle and her friend, and using her power to do that.. It makes him mad, and mad, and mad, more and more.

"Ikaw.. Hindi mo talaga alam kung kailan sumuko, huh?" Ibinaba niya si Emanuel sa lupa at dahan-dahan siyang tumayo. "Nasusuka ako sa mga pinanggagagawa mo. Nakakasuka ka.. Nakakadiri ka. Isa kang basura na pakalat-kalat sa daan at lahat ng taong makakita at makaamoy sa 'yo ay nasusuka!! Ikaw.. Ikaw ang rason kung bakit namatay si Emanuel.. Ikaw ang rason kung bakit kinailangang umalis ni Maria. Ikaw.. Kinukuha mo lahat sa 'kin.. Lahat nalang kinuha mo.. Ang isang basurang kagaya mo ay kailangang mawala.. ng hindi ka na makita pa ninuman.. Ang isang katulad mo.. ang siyang pinaka kinamumuhian ko.."

Nanlalaki ang mga mata na nakatingin lang sa kanya si Mandelion. Mukha siyang nabigla sa kanyang mga narinig. Napahawak siya sa maliliit na kamay ni Koji na nakapusan sa kanyang likuran. His hands are trembling when he felt the coldness of Koji's skin. Koji died because of the last attack he made. Koji died.. because of him.

Ninja's Love (Shinobi #1)Where stories live. Discover now