Dalawampu't apat

15 4 0
                                    

For the past 2 years na nandito ako sa mundong 'to, isa ito sa mga araw at oras na bilang lamang sa mga daliri namin, ang pagiging tahimik at sobrang seryoso ng team na 'to.

Kapag magkakasama kami ay either nagkwekwentuhan kami, nasa mission, o 'di naman kaya'y nasa bahay at nanonood ng mga paborito naming movies.

Kahit na may girlfriend na si Refix, hindi pa rin niya kami nakakalimutan ni Aydan. He's fond of us, na kahit saan siya magpunta ay gusto niya kami laging kasama. Except! Except kapag date nila ni Calli.

And seeing him beside me, lost in his own thoughts and being careless just to think of a plan to succeed on this exam, is kinda off for me.

Back to what Aydan said a while ago, a plan that can succeed a hundred percent. I'm useless when it comes to planning, I'm telling you.

Sumandal ako puno at tinitigan si Aydan. He's thinking hard. When it comes to planning, si Aydan palagi ang may matinong planong nakahanda. Pangalawa si Refix at ako naman ay nasa hulihan. But seeing Aydan right now, hindi mo masasabi na siya ang laging una sa lahat. He hasn't thought of any plan yet. At nahihirapan siya. Maybe the pressure yesterday is still in his shoulder. That pressure is a burden to him and slowing his movements.

"Nagbago na ang isip ko." Aydan said after a while. He raised his head at tumingin sa 'min. "Hindi natin kailangan ng plano na gagana ng isang daang porsyento. Ang kailangan lang natin ay isang plano na makakatulong sa 'tin para maipasa ang pagsusulit na 'to. Kahit ilang porsyento pa ang meron ito, basta makapasa lang tayo ay ayos na."

"May naisip ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

"Wala pa... Namemental block ako." Salubong ang kilay na sagot niya.

Between us, siya ang mas namomoblema. He is the second Captain in our team. When Sir Bexley wasn't around, siya palagi ang humahalili sa kanya.

"Tsaka na kaya tayo mag-isip ng plano?" Biglang sabi ni Refix. "Sa tingin ko ay kailangan na nating gumalaw bago pa tayo mahanap ng iba."

"Tama si Refix, Aydan." Segunda ko kay Refix. "Mayroon lang tayong 24 oras para matapos ang pagsusulit na 'to. At mag-iisang oras na tayong nandito."

Nakatulala lang si Aydan ng ilang beses bago siya nagbigay ng isang maliit na ngiti.

"Hmm.. Tama kayo." Tumayo siya sa kanyang pagkakaupo at tumalikod sa 'min. "Mag-isip nalang tayo plano habang naghahanap tayo ng pagtataguan."

Tumayo kaming dalawa ni Refix at tumabi sa kanya.

"Tara na."

Sabay-sabay kaming tumakbo palayo sa puno at sinimulan na ang paghahanap sa isang scroll na kailangan namin. Water scroll.

Sa mabilis na pagtakbo namin ay hindi nakawala sa paningin namin ang dalawang team na hinaharap ang isa't isa.

"Tigil." Mahinang sabi sa 'min ni Aydan. Nagtago kami sa ilalim ng mga puno at nanood ng kanilang paglalaban.

"Isa sa dalawang grupo na 'yan ang may hawak ng kalatas ng Tubig." Mahinang bulong niya.

"Aatake ba tayo kapag natalo na ang isang team?" Tanong ko sa kanya.

"Oo.. Siguradong bababa ang pagiging alerto nila kapag nalaman nilang nanalo sila, kukunin natin ang pagkakataon na 'yon at aatake tayo ng palihim." He said.

Sa ilalim ng puno ay magkakadikit kami habang pinapanood kung paano magsukatan ng tingin ang dalawang kampo.

"Ibigay niyo nalang sa 'min ang kalatas ninyo mga bata." Sabi ng isang lalaki na nasa middle 20s na ang edad.

Ninja's Love (Shinobi #1)Where stories live. Discover now