25: The Mystical Island

879 65 1
                                    

Muntik na akong mapatigil nang dahil sa sinabing iyon ni Vane. Ni wala akong makita ni isang katiting ng pagbibiro sa kaniyang sistema. Maging ang kaniyang reaksyon ay neutral. It is as if he is dead serious.

"Prove to me that history won't beat you this time."

This doesn't make sense to me at all pati na rin ang tinutumbok niyang ideya sa kaniyang sinabi. If I am not wrong, what he said maybe a very good idea but not the best at all. Kung paano akong nasaktan ni Zeus noon, I wouldn't do the same process and way to get back at him this life. Wala akong balak na dungisan ang imahe ko sa pagkakamaling minsan nang nagwasak sa akin at siyang naging dahilan ng pagkitil ko pati sa sarili kong buhay.

I wouldn't stoop that low.

"Am I right, Klara? Maganda ka naman. Makapangyarihan. Everyone's competition. And as I have said, napapalibutan ka ng mga magagandang lalaking makapangyarihan na puwede mong magamit. From me to your reincarnated brother. Dalawa pa lamang kami sa mga lalaking posibleng magamit mo just to get back at him until you're satisfied. Until you get back at him to your heart's content. You once said na kapag nakita mo na siya ulit, you'll make him beg, tama? Then why not make him beg and heartbroken at the same time?"

Napatigil na ako nang tuluyan sa kaniyang sinabi. Napatigil din siya na animo ba ay natatawa pa.

"Bakit? Isn't my idea so damn great?" He chuckled. "Siguro naman sa ikalawang pagkakataon ay hindi mo hahayaang ikaw ang talunan sa kuwentong ito? Sitan gave you the privilege and advantage to use his name and title. Isn't destiny on your side this lifetime? Kaso nga lang sa nakikita ko, kapag nakita mo ang dati mong asawa ay hindi ka man lang magalit at patawarin agad siya one minute after he said sorry."

"Excuse me?"

"You were distracted since day one, Klara. Since you heard your husband's voice ay wala nang ibang pumasok sa isip mo kung hindi iyon. Now tell me kung hindi ako tama sa hinala ko."

"How much would you bet?" I said as I tried to compete with his eyes. "If I win this time, how much would you give me?"

Sa sinabi kong iyon ay nakita kong napakagat siya sa pang-ibaba niyang labi. Halata ang pagiging interesado sa kaniyang mukha. Halata rin ang pagiging confident bago siya sumagot sa akin.

"Much more than you would expect me to, Klara. I will do anything until you're satisfied of my service. How's that? Sounds good?"

"It's a deal then."

Nagkadaupang palad kami sandali. Nagkangitian nang makahulugan bago magkasabay ding maglakad na animo ba ay walang nangyari. Nakita ko kung paanong napakunot ang noo ni Himig na sandali ring napailing nang marahan dahil sa naging aksyon namin ni Vane. Si Rich naman ay nananatiling tahimik.

"You two are weirdly close."

We just both shrugged on Himig's statement. Nagpatuloy na rin kami sa pagsunod sa primong tagapagsilbing ipinahiram ni Damion sa amin upang ihatid kami sa sinasabi niyang fire healer's area. Hindi kami dumaan o nakatapak man lamang sa lunar area sapagkat sa ilalim kami agad na dumiretso. May isang maliit na animo ba ay gawa sa bubog na balon malapit sa isang maliit na puno ang aming pinasukan. Mula sa umpisa ay puro hagdan lamang iyon na paikot-ikot at para bang walang katapusan. The place does not feel suffocating though. Kahit maliit ay animo ba ay nakakaligaw. It must be because of magic. Hindi rin ganoon kadilim kahit na wala akong nakitang ni isang ilaw. Malamang ay dahil sa repleksyon ng araw sa mga bubog na baitang.

Demoiselle of Omens (Trinity Series 1) Soon To Be Published Under IMMAC PPHWhere stories live. Discover now