51: The Loving Goddess

809 62 7
                                    

Tuluyan na ngang dumaong ang barko. Nakababa kami nang matiwasay at walang kahassle-hassle kasabay ang pagsikat ng araw. Ang sikat noon ay para bang nagsisilbing pagwe-welcome sa aming pagdating.

Naunang bumaba sina Vane at Vielle. Walang imikan at walang nagsasalita. Kasunod naman ay ang kambal na Amaya at Amugay.

"Oh?" Asik ni Himig kay Rich na akmang hihintayin sana ako. "Don't tell me entitled ka na? Mauna ka na kung ayaw mong pag-usapan tayo rito. There's a lot of powerful eyes here."

Tumingin lang sandali sa akin si Rich. Ni wala namang emosyong namutawi sa mukha ko. Maging ang simpleng pagtaas ng kilay ko ay hindi ko ginawa. Alam niya kung bakit. Wala tuloy siyang nagawa kung hindi ang mag-umpisa nang maglakad. Sabay naming pinanood ang paglalakad niya nang marinig ko ang pagbuntong-hininga ni Himig.

"Hindi kita maintindihan, Klara. I am disappointed." He said.

I shrugged my head. Pinapakinggan lamang siya at ni walang balak na tanggalin ang pagkakatingin ko kay Rich.

"Dahil kung papipiliin, I will gladly agree if you and Vane will be romantically linked into one another."

"Kaya ka siguro ganiyan. You keep on being the bridge. Napakahina mo. Puwede mo namang sabihin agad na ang pangit ng taste mo, Klara. Mas better ako kay Rich. Mas magiging masaya ka sa akin."

"If I told you that, would you be mine?"

I swear na wala akong kabalak-balak na tanggalin ang tingin ko kay Rich ngunit hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Himig kaya hindi ko napigilang tingnan ang reaksyon niya. Malamig ang boses niya. Seryoso at halatang nangongompetensya. Gustong-gusto niyang malaman ang sagot ko.

"Kung sinabi ko nga iyon, are you willing to protect me from the dangerous rules and the dangerous consequences?" He asked. Nakatingin nang diretso sa mga mata ko. "Hindi, 'di ba? I am just disappointed dahil ini-expect ko na hindi ka ganiyan. Na mananatili ka sa salita mong hahanapin mo ang sarili mo. Ang reinkarnasyon ng asawa mo. Na hindi mo gusto si Rich and you wouldn't commit the mistakes your past husband di-"

"Hindi ko hawak ang emosyon ko. Hindi ko hawak ang sitwasyon. Hindi ko hawak ang puso ko at hindi ko kayang pigilan kung sino ang magugustuhan nito."

"Pero hawak mo ang desisyon kung mananatili kang rasyonal sa-"

"You're grounded, alipin." I said. "From now on, you are not allowed to exchange conversations with me like we are friends. Simula ngayon, isa kang alipin and will always be that one. Kakausapin lang kita kapag may kailangan ako. Magsalita ka lang kung alam mong dapat."

Napailing siya nang dismayado. Inalis na ang tingin sa aking mga mata at ganoon din ako. Pinagpatuloy ko na lang ang pagtingin kay Rich. Sa unahan ay isa-isa nang nagsilabasan ang mga kasamahan yata namin. Tatlong babae at apat na lalaki. Nagbatian lang silang lahat. Nagkakangitian na malamang ay dahil wini-welcome kami. Inoobserbahan ko sila at natutuwa ako habang nanonood hanggang sa ang isang babae ay biglang yumakap kay Rich. I saw how Rich's face gone shock ngunit pinanatili ang kaniyang pagiging kalmado. It seems like they know each other lalo na ng yumakap siya pabalik sa babae.

Demoiselle of Omens (Trinity Series 1) Soon To Be Published Under IMMAC PPHWhere stories live. Discover now