52: The Reincarnated Rival

860 56 8
                                    

Nainip ako kakahintay at kakapigil na mainis. Dumating na ang dalawa kani-kanina lamang at isa na lamang ang hinihintay. Dumating man sila ngunit hindi ko sila binigyang pansin. Mukhang ayaw din naman nilang lumapit sa akin. Si Aficia Love rin ay tumahan na. Kausap na siya ngayon nina Amaya at Amugay.

"Where are you going?" Si Vane nang tumayo ako.

Hindi naman ako nagsalita nang mapagtanto niyang ang direksyon ng Salimbal ang tinutungo ko. Imbes na magtanong pa ay tahimik na lang siyang sumunod sa akin halos kasabay ni Himig. Both are still mad at me and I do not give a damn about it. Bahala sila sa buhay nila kung magalit man sila o hindi sa desisyon ko.

Naupo ako nang maayos sa isang upuan at ipinukol ang tingin sa mga kasama namin. Hindi ako sigurado kung ilan silang lahat at wala akong balak na bilangin sila. Basta ako ay narito lamang dahil isa sa destinasyon ng Salimbal ito.

"Are you really going to do it, Klara?" Mayamaya pa ay tanong na naman ni Vane. This time, halatang inis na inis na. "Hindi ako mapakali sa desisyon mo. I think this will be a bigger mess than the inaguration itself. Parang hindi ang pagsumpa nating lahat ang inaabangan kung hindi ang love story mo. Ang love story ninyo."

Tiningnan ko lang siya nang marahan. Hindi nagsalita at muling ipinukol ang tingin sa karamihan. To my surprise, a woman came walking from nowhere that got all the attention especially mine.

Raquel Arcañum.

Hindi ako puwedeng magkamali sa nakikita ko. That same face and that same aura. Halata mang pagod siya ngayon ay hindi maipagkakailang ang kaniyang awra ay naghuhumiyaw ng lakas at kapangyarihan. I smiled as I continue to look at her walking. Her eyes are the same. Those same damn eyes. Medyo may kaiksian ang kulay brown niyang buhok ngunit natatabunan naman ang kaniyang noo. She still has the same body and the same height. The same curves and the same fucking face but fiercer. Habang naglalakad siya ay isa lang ang tinutumbok ng kaniyang mata.

Rich's direction.

Naramdaman ko ang pagtayo ni Vane sa tabi ko. He is more worried than me from what I can see. Lumapit na rin naman sa akin agad si Himig na animo ay papangaralan ako.

"She's Kulture Hymn." Sambit niya.

Gusto ko man siyang sigawan for distracting me ngunit hindi ko na lang ginawa. Kinalma ko ang sarili ko para naman hindi ako mukhang pathetic sa mata ng mga taong nakamasid at nag-aabang ng mga mangyayari sa aming love story.

"The chosen one of the goddess of war, revolution, moon, and right to equal rule, Mayari. One of the three daughters of Bathala, king of the minor Gods, to a mortal woman. Her divine marking is the bleeding moon. And yes, she is Rich Primero's current woman." Pagpapatuloy ni Himig.

Napangiti ako nang mapakla nang i-emphasize talaga ng alipin ko ang huling pangungusap niyang sinabi. Mukhang pasimple siyang bumabawi at gumaganti dahil sa galit niya sa akin bilang master niya.

Ipinagpatuloy ko na lang pagtingin sa naglalakad na si Kulture. Nagpapabalik-balik ang mata ko sa kaniya at kay Rich na mukhang hindi napapansin ang pagdating niya dahil abala ito sa pagtingin sa kaniyang paa. And when Kulture finally got near him, hindi ito nagdalawang isip na kunin ang atensyon nito sa pinakagrandeng paraan. She kissed him on the lips. Kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata ni Rich dahil doon habang ako ay nananatili lang na nag-obserba.

Demoiselle of Omens (Trinity Series 1) Soon To Be Published Under IMMAC PPHWhere stories live. Discover now