29: The Unblessed Twins

835 68 2
                                    

Napakunot man ang noo dahil sa biglaang pagtataka kung saan nanggaling ang serving Primo na nasa baba at tinatanaw namin ay mas nanaig sa akin ang kyuryosidad sa nangyayari sa labas. It's possible that there are enemies. Kung ang sabi nila ay may nadetect na malakas na kapangyarihan sa harapan ng nayon, then I should not be here staying. I should go out and see Damion.

"Klara!" Sigaw ni Vane at sinubukan pa akong pigilan sa pagtakbo ko patungo sa pintuan papalabas. "You just heard what they-"

"Fuck. Ruin the door!" Sigaw ko nang putulin ko ang kaniyang sasabihin. Nakasara na kasi nang tuluyan ang maliit na daanang nagsisilbing pintuan. We are stuck. "Now!"

"Hindi po maaari. Mahigpit na ipinagbabawal ng kataas-taasang-"

Hindi na rin nakatapos sa pagsasalita ang serving Primo nang sundin ni Vane ang utos ko. Just by a little wave of his hand, the door collapsed. And what's even more amazing is that not even a single debris fell towards us. Dumiretso ito sa taas at ni hindi na bumalik sa pagkahulog.

Sorcery, I guess.

Dali-dali na akong lumabas. Sumunod din naman sa akin. Agad na bumungad sa akin ang katahimikan kaya naman tinakbo ko na rin ang daan kung saan natatandaan kong tinahak namin kanina. Hindi pa naman ganoon katanga at kapurol ang memorya ko para hindi iyon matandaan. Wala pang isang oras ang lumilipas.

"Klara, saan ka ba pupunta?" Si Himig. "It's so silent in here. Malamang ay may mali."

"May mali talaga!" Hiyaw ko. "Enemies are chasing us. We need to get out of this village as soon as possible."

Nagpatuloy ako sa pagtakbo hanggang sa marating ko ang maliit na bahay kung saan una kong nakita si Damion. Kinatok ko iyon nang kinatok. Marahas at mabilis ngunit walang Damion na nagpakita.

"Damion, come on!"

"Did you not hear the serving Primo?" Si Vane.

Nilingon ko siya. Mayamaya rin lang naman ay dumating ang serving Primo na kaniyang sinasabi. Ang kaparehong serving Primo na may dala-dalang ilaw. Humihingal pa nga dahil sa paghabol sa amin.

"Nasa harapan ng nayon ang kataas-taasang, Primo. Ipinagbilin lamang nila na dito kayo tumigil at huwag nang-"

Sa ikalawang pagkakataon ay hindi na naman nabuo ang kaniyang sasabihin. Tumakbo ako kaagad para hanapin si Damion. Hindi naman nagtagal, laking pasasalamat ko nang makita ko siya. He's in a white robe kind of thing still. Agad niya akong napansin at napakamot sa ulo.

"I told you to stay there-"

"Not me, for sure. Anong nangyayari?"

"Damn, Klara. You're still stubborn at wala na naman akong magagawa roon." He sighed.

Nilapitan na rin lang ako saka sinuotan ng kapareho ng kaniyang roba. Ang apat na primo na iba't iba ang kulay ng damit at napatingin pa nga nang nagtataka dahil doon. They must be thinking who the hell I am to wear white. More specifically their highest prime's robe na siya pa mismo ang nagsuot sa akin.

Demoiselle of Omens (Trinity Series 1) Soon To Be Published Under IMMAC PPHWhere stories live. Discover now