01: The Sinful Eye

4.7K 172 40
                                    

I have always been told that my eyes scream something more of what it is seen in a naked eye. And I have never disagreed on that fact since the first time that I heard it. Nakakarahuyo ang mga mata ko kung titingnan sapagkat ako ay biniyayaan ng isang maamong mukhang napaparisan ng nakakaintimidang mata. The duality it gives seems weird to some.

I then watched the peeking of the moon with that eye. Just like every night, the moon never disappoints me. It is always as mysterious at it is. Kasing misteryoso ng buo kong pagkatao. And I always knew this same moon will become a big part of some powerful people.

"Klara, are you awake?" Boses ni Rebal ang narinig ko. He was whispering so damn slow kaya naman napakunot ang noo ko. Agad ko siyang tiningnan nang masama.

"Tanga ka ba? May nakamulat bang tulog?"

"Heto naman parang tanga. Napakatahimik mo kasi e kaya akala ko ay tulog ka na." Pagmamaktol nito pabalik sa akin. "Bakit ba kasi sobrang natutuwa ka sa buwan? Palagi na lang kapag kabilugan ng buwan ay para kang nababaliw at nakukuha mo pa talaga akong isama sa kabaliwang iyon."

Sa pagkakataong ito ay nilingon ko na siya. Binuksan ko pa nga ang flashlight na dala ko para tingnan kung gaano na naman katindi ang pagkakakunot ng noo nito. Sa ngayon ay hindi naman iyon grabe. Normal lang ang pagkakakunot.

"E bakit ka pa sumama kung feeling mo ay baliw ako?"

"Tanga ka ba? Kapag hindi kita sinamahan, sino sa palagay mo ang malalagot kay Tita? Ako o ikaw? Sige nga ngayon ka magreklamo sa akin."

Umiling na lang ako. Pinatay ko na ang flashlight at hinayaang ang sinag na ng bilog na buwan ang tumanglaw sa amin. Nasa gitna kami ng kawalan. Pinagmaneho ko si Rebal, ang nag-iisa kong pinsan, para lamang makarating sa tabing dagat na wala kaming ideya kung saang parte na ng mundo. Nasa isang isla kasi kami for his fiancée’s travel birthday party. And it's just that I wanted to escape from the chaos of the people and drag him with me. Hindi naman siya nakaangal sapagkat paborito niya ako. And yes, I am taking advantage of that.

"Wala ka bang napapansin sa mga mata ko, Rebal?"

"Meron. Parehas tayo ng mata ah."

"Hindi iyon. I mean, something more. Ewan ko ba. Something magical, I guess?"

"Nagpapaniwala ka naman doon. Sus!"

Muli kong sinindihan ang flashlight na dala ko. Ibinaba ko iyon sa gilid upang kahit papaano naman ay may ilaw kami maliban sa buwan. Dinig na dinig pa rin ang hampas ng mga alon na sinasabayan pa ng mga simoy ng hangin. Ibang-iba talaga ang pagkasariwa ng hangin kapag nasa isla ka. Madaling makapagpakalma and actually when you're back at the city, it will keep on pulling you to come back.

"Something weird sa iyo, marami. Halika na nga. Baka hinahanap na tayo nina Tita. Saka isa pa, baka lasing na lasing na si Abby at mamaya ay magsuka na iyon at hanapin ako. Kapag hindi agad ako nakita noon ay iisipin na naman noon na nambabae ako."

 

"Rafaela!"

"Klara!"

Demoiselle of Omens (Trinity Series 1) Soon To Be Published Under IMMAC PPHМесто, где живут истории. Откройте их для себя