46: The Competing Eyes

760 64 4
                                    

Tumingin ako nang simple kay Amaya. Natutuwa ako sa sagot niya but at the same time ay napapamura. Mukhang hindi pa niya nararanasang magmahal at mahulog sa lalaking ikakaguho ng mundo niya. Mukhang hindi pa niya nararanasang masaktan nang grabe. And I know why she said what she said.

 

She wanted thrill. Something Zeus must have looked for.

"Sus heto naman. Joke lang!" Basag niya sa katahimikan. "The truth is I do not need any man and I am not looking for one. I am happily living the best life being protected by the best man. Besides, ano ba ang mayroon sa lalaki na wala ako?"

"Well, hmm. Their private parts and oh, their pride."

"Ah no worries. I can shapeshift a penis if I want to have it. I can even put my tits on my back if I want."

Napatawa ako sa sinabi niya. Hindi dahil sa may punto siya at may kakayahan siyang totohanin ang sinabi niya kung hindi dahil sa kaniyang pagkainosente. She just calmly said that out loud without being uncomfortable as if she's just telling me she brought me candies.

How cute.

"You seem to know Primo Damion. You were wearing one of his sacred robes in the village."

"Oh. It is nothing. Baka sobrang nagandahan lang siya sa akin kaya agad siyang bumigay."

Amaya looked at me with doubts on her face after hearing that from me. Halatang ayaw na ayaw akong paniwalaan o baka naman ay nagulat lang sa pagkaassuming ko.

"That's possible but impossible at the same time. Primos are loyal as fuck. Hindi niya ipagpapalit ang kaniyang girlfriend-"

"That jerk have a girlfriend at hindi niya sinabi sa akin?" Agad kong putol na sumisigaw pa. "Tangina talaga ni Damion ni hindi man lang ako pinasabunot kahit sa kilay ng girlfriend niya."

"Oh. Are you mad kasi naputol ang pagiging assuming mo na gusto ka ni Primo Damion?"

Napatss na lang ako. Hindi ko na siya sinagot. Wala akong balak na ipaalam pa sa iba na kilala ko si Primo Damion and that we are connected deeper than anyone could ever imagine. We have sibling souls. Ayaw kong may makaalam pa dahil baka madamay ang pangalan niya sa akin at siya ang puntahan ng mga kalaban. Palagi pa namang maagang mamatay ang tangang iyon. Baka mamalay ako ay nasa ikatlong buhay na niya iyon habang ako ay ni hindi pa sumasaya ang love life.

"Amaya, kakain na. You said you're starving, right?" Mayamaya ay putol sa amin ni Amugay. Kakalabas lamang nito mula sa loob ng barko at nakakunot pa ang noo. "Stop pissing Klara off. Nawawalan ka na talaga ng manners."

"Tss. Sinasabi ko lang naman na may sugat siya, e." Palusot pa ni Amaya maliban na lang na totoo naman ang palusot niya. "She's fine though. Hindi naman siya mamamatay."

"Kakain na nga. Come inside. Kayo rin kung gusto ninyong kumain punta kayo sa loob. Hindi ako manghihinuyo sa inyo." He hissed as he looked at everyone.

Demoiselle of Omens (Trinity Series 1) Soon To Be Published Under IMMAC PPHWo Geschichten leben. Entdecke jetzt