50: The Meeting Place

837 59 13
                                    

Paulit-ulit kong inalog si Himig sa kaniyang pagkakahiga. It's almost time. Nararamdaman kong malapit na kami sa meeting place na sinasabi niya. Siguro naman ay nakapagpahinga na siya nang maayos. Ang lahat ng agent ko ay gising na. Si Amugay at Amaya ay ganoon din. Rich is outside. Ayaw pumasok dito dahil mukhang nanghihina pa despite the efforts we did to know what's wrong with him. Walang nakakaalam kung ano ang namamagitan sa aming dalawa maliban kay Vane at iyon marahil ang dahilan kung bakit hindi na niya ako kinakausap sa ngayon.

"Ano ba, Klara?" Asik ni Himig sa akin kaya naman nakatikim agad siya ng sampal. Mahina lang naman. "What is wrong with you?"

"Hindi kita isinama rito para gawing baby ko. I agreed on letting you go in this journey to be someone useful. Huwag mo akong ginagago, alipin."

"Consideration naman, please." He hissed once again.

Napailing ako. Sa isip ko ay naiinis ako. He was broken and in pain emotionally because of Raquel's reincarnation, too. I cannot wait to see what Kulture looks like. I cannot see what she is now para maintindihan ko kung ano ang ikinababaliw nila sa kaniya. No hard feelings now that I have my emotions on stable. Siguro ay panahon na para palayain ko ang sarili ko sa nakaraang iyon. But yes, I still do want to see her and my reincarnated husband. Tingnan na lang namin kung ano ang mangyayari.

Both Rich and I talked a lot. Tatapusin na niya muna ang relasyon niya kay Kulture bago kami magkatuluyan. And he's ready for the emotions, for the unexpected turnouts kapag nakita ko na nga ang reinkarnasyon ni Zeus, for all my pretty and all of my ugly too. We agreed that instead of taking vengeance, we would just let this newly found romance be the cure to our ill-fated relationship. Use this to help us fix our broken selves.

"Sobra-sobra na ang konsiderasyon ko sa iyo, Himig. Hindi na ako natutuwa."

"Sa tingin mo ba ay natutuwa ako sa'yo, Klara?" Sa wakas ay bumangon na siya ngunit sa pagkakataong ito ay halata ang inis sa akin.

"Aba. Galit ka ba sa akin, alipin?"

"Yes. Halata naman, hindi ba? Instead of finding me on that darn city, you did nothing. Muntik na akong mamatay, Klara. Hindi mo ba iyo-"

"Your life depends on me anyway. Huwag kang feeling importante just because I have been taking your sides lately." I said calmly.

Narinig ang paghagalpak ng tawa ni Amaya sa naging usapan namin ni Himig. Lahat ng atensyon kasi ay nasa amin lalong-lalo na at inoobserbahan nila kung okay pa ba si Himig at hindi ito nauubusan ng hininga.

"Binagsak mo ako sa sahig, Klara! Hindi mo man lang ako inayos ng baba. Ang sakit ng ulo ko-"

"Nagrereklamo ka? E kung pinabayaan kaya kitang maiwan doon? Entitled ka ah. Gusto mo talaga marahan pa despite the situation. Anong akala mo? Sumayaw lang kami roon?"

Akma ko nang babatukan si Himig nang pigilan ako ng isang braso. And as usual, it is Amaya's loose hand. Umiiral na naman ang pagiging makulit niya.

"Oopsie. I can't help it." She said.

Nginitian ko naman siya. Nang subukan niyang alisin ang kamay niya ay kinuha ko iyon. Iyon agad ang ginamit kong pamalo sa ulo ni Himig.

Demoiselle of Omens (Trinity Series 1) Soon To Be Published Under IMMAC PPHDonde viven las historias. Descúbrelo ahora