42: The Gorgeous Enemy

843 66 0
                                    

My heart started to beat faster than the usual. Hindi maganda ang nakikita kong ito. Hindi maganda ang nakikita kong maaaring mangyari. Inalerto ko lalo ang aking sistema habang ang tingin ay iba't iba ang direksyon. Hinahanap ng mata ko si Himig, tinitingnan ang tatlong agent ko at sinusubukan ding imonitor kung nasaan na si Rich.

"Puwede bang makisali sa inyong saya, Klara Delos Sinne?" Sambit ni Asrael Wang na umalingawngaw sa kabuuan.

He is holding a red rose just like the one I've seen back home. He isn't looking at me but into my three agents still. Prente at kalmado ngunit makikitang nagpapaligsa sa bawat pagkilos.

Shit. He knows I am here. He feels it.

"Oh, hi! Vielle Hati, Valerie Salamangka, Vintage Gayuma." Kumaway pa ito sa tatlo. "The chosen ones of the goddesses Manisilat, Manggagaway, at Manananggal. Funny to see you all stripping in my city."

"This isn't your city, Asrael Wang." Matapang na sambit ni Vielle. Ang kaninang bikini lamang ay mabilis na napalitan ng itim na magarang damit sa harapan ng karamihan. Her seducingly pleasing body became the opposite. Naging maamo ngunit halata ang tapang sa loob. "This is my territory."

(Vielle Hati)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Vielle Hati)

Pagtawa ni Asrael ang sunod na umalingawngaw sa kabuuan ng bulwagan at tanging iyon lamang ang maririnig. Ang lahat ng tao ay para bang nawalan ng kakayahang magsalita. Wala kasi ni isa sa kanila ang kumikibo o sumisigaw na kagaya ng kanina. May mangilan-ngilang nagbubulungan ngunit napakahina.

"Oh, seems like you were not informed at all. Half of the people here are my minions and you're just being monitored." He grinned. Pinasadahan sandali ang mga tao at alam kong kasama ako sa kaniyang tiningnan habang nakangiti nang makahulugan. "Because I know your boss will come here to pick you up. Nalalapit na ang inagurasyon sa kaharian ng mga Pinagpala. Nalalapit na rin ang katapusan ninyo."

"Baliw ka yata, Asrael. More than half of the people in here are under my influence. Sige, subukan mong gasgasan ako and you'll see what I meant by what I just said, demi beast." 

Namuo ang tensyon na pinalala ng nakakabinging ingay. Ako naman ay nanahimik lamang. Hindi mapakali sapagkat mas nag-aalala ako kaysa sa kalagayan ni Himig kaysa sa tatlo kong agent na tinututukan ni Asrael ng kaniyang bazooka. Hindi maganda ang kutob ko. May kung anong bumabagabag sa akin.

"Oh, feisty."

"Ah ikaw pala si Asrael Wang! Nice to meet you. I am Klara Delos Sinne's first agent, Valerie Salamangka. Well, wala naman. Nagpakilala lang ako just in case you die in my hands. It's for your own good. Kapag namatay ka, ang pangalan ko ang huling nasa isip mo and if ever you'll be reborn and take your shot on revenge, I am down for it. Handa akong magpahabol kung ganiyan din lang naman kaganda ang mukha mo. You'll be my cutest nightmare."

Demoiselle of Omens (Trinity Series 1) Soon To Be Published Under IMMAC PPHWhere stories live. Discover now