43: The Grandest Run

743 65 5
                                    

Bago pa man ako tuluyang makatakbo at makalabas sa pintuan ay may mangilan-ngilan pang sumubok na harangan ako ngunit nasa likuran ko si Vane at inaalalayan ako. Ginawa niya ang kaniyang trabahong protektahan ako. Hindi niya hinayaang mahawakan o matamaan ako ng mga atake ng mga kalaban.

"Fuck!"

Marahas kong sinara ang pintuan nang makalabas ako. Bitbit pa rin si Himig nang lakarin ang daan. Lumayo lang ako nang kaunti sa pinto at inihiga na si Himig sa sahig. Marahang paghingal ang pinakawalan ko nang umayos ako ng tayo. Namaywang pa saka dismayadong nakatingin sa walang malay na si Himig.

"What the fuck is wrong with me?" I let out a litlle laugh. Muling tiningnan si Himig bago magmonologue. "Bakit parang mas mahalaga pa talaga ang alipin kong ito kaysa sa mga agent ko? Bakit parang mas takot na takot akong mawala ang isang ito? This is not a master's job. Protecting her servant just sounds wrong yet right at the same time."

Nilingon ko na ang pintuan. Mula sa kinatatayuan ko ay para lang iyong normal na pintuan at hindi mo aakalaing sa likuran noon ay isang syudad na libo-libo ang mga tao at may nagaganap na away. Karamihan pa sa kanila ay mga nilalang na kaaway namin. And most importantly, one of them is one of the five confirmed demi beast.

Ah, Asrael Wang. Para kang asong sunod nang sunod.

Habang hindi pa sila lumalabas ay tiningnan ko kung ano na ang lagay ni Himig. Mukhang humihinga pa naman siya nang tingnan ko at sadya lang na walang malay. His temperature is normal at ang kaniyang kulay ay hindi maputla. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kaniya at kung ano ang ginawa ni Asrael sa kaniya ngunit siguraduhin lang niyang hindi mapapahamak si Himig. Handa akong ubusin ang natitirang oras sa paghahanap na ito para bigyan siya ng leksyon.

"What did you do for me to protect you, alipin?" I whispered.

Kinumpas ko na lang ang aking kamay. I channeled my mind to what my prowess can do. And to my surprise, I lifted him without me touching him.

"Hmm, well."

Papalakad na sana ako nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwa si Valerie na naghihingal. Napakunot ang noo ko nang buhat niya si Rich in a bridal style habang walang malay at namumutla. Sa pagsara ng pinto ay agad siyang dumiretso sa may harapan ko. Inihiga sa sahig si Rich kagaya ng ginawa ko kay Himig. Valerie started checking his vitals.

"His pulse is almost gone. Nanlalamig ang kaniyang buong katawan. Klara, he's dying." Nag-aalalang sambi ni Valerie nang tumingin sa akin. Hindi mapakali at halatang tinatanong ako kung ano ang dapat na gawin. Ako naman ay prente lang na pinasadahan ng tingin ang walang malay na si Rich.

"Let him die then."

Hindi makapaniwala ang mukha ni Valerie. Nagtatanong ang mata kung nagbibiro ba ako. Natawa siya nang hindi maintindihan kung natutuwa ba o naiinis sa akin.

"You're going to let him die?"

"Hindi siya kasama sa paghahanap na ito. Ikalawa, hindi siya isa sa agents ko. Ikatlo, he's not connected to me. Do you want me to elaborate more on why I do not care about him dying?"

Demoiselle of Omens (Trinity Series 1) Soon To Be Published Under IMMAC PPHWhere stories live. Discover now