28: The Third One

881 69 4
                                    

Nakita ko ang parehas na pagkabigla nina Vane at ng babaeng hinahanap namin ngunit halatang magkaibang-magkaiba ang iniisip. Si Vane ay nagtatakang nakatingin sa napunit na telang mula sa damit ng babae na hanggang ngayon ay nasa kamay ko pa rin. Tiningnan ko muna iyon sandali bago tuluyan nang ipinukol ang tingin sa babaeng may-ari noon. She's staring at me confused and anxious at the same time. Tinatabunan kahit papaano ang lumuwa niyang maselang parte nang dahil sa walang habas kong pagpunit sa suot niya. Gayunpaman ay hindi nakawala sa paningin namin ang kaniyang marka.

Ang divine marking ng bolang apoy.

Kung ang sa akin ay lava fires from hell, sa kaniya ay bolang apoy. Kahit medyo malayo iyon ay kitang-kita ko iyon.

"You ripped her fucking dress. She's a woman, Klara!" Sigaw ni Vane sa akin. Ang kaninang confused niyang mukha ay napalitan bigla ng pagkainis. Iyon nga lang, nabaling yata sa akin. "Are you fucking insensitive?"

"What?"

"Pinunit mo lang naman ang damit niya! Now, she's half naked in front of a man without her consent. That's sexually offending for her. Goddamn it. This is why I hate women fighting." Dismayado siya.

Agad akong napakurap nang tatlong beses. Hindi ko agad naproseso ang sinabi niya. He is unexpectedly a gentleman compared to that incomparable maiden. Bigla ko tuloy naalala ang mga sinabi ni Rich the first time we met.

"Klara, you're making me hard."

"Telling you you're making me hard is far from verbally sexualizing you. Hindi ko sinabing gusto kong hipuin ang puwet mo o hindi kaya ay pindot-pindutin ang suso mo. I never catcalled you."

Malayong-malayo.

"Why the hell are you laughing?" Asik na naman ni Vane. "May nakakatuwa ba roon?"

"You're cute. I'll let you slide from shouting at me. Now…" Sabay baling ko sa babae na ngayon ay maayos nang nakatayo. "You're my third agent. Bakit ka tumakbo at sinubukan pa akong atakihin sa labas ng lagusan?"

Nanahimik ang paligid sandali. Para bang binigyan talaga kami ng break para mabuo ang tensyong nararamdaman. Vane is now calm yet uncomfortable looking at my third agent. Nakikita kong hindi siya diretsong makatingin dito.

"Hindi ka naman tinamaan-"

Naputol ang kaniyang balak na sabihin nang bigla siyang mapangiwi sa sakit. Kinuyom ko kasi ang tela ng damit na napunit mula sa kaniya. I still can't figure out how to use my new prowess ngunit nagagamay ko naman kahit kakaunti. And as far as I know, dark sorcery is my thing.

"Wrong answer, boo."

Matapos niyang makahuma sa sakit sa dibdib ay agad siyang lumuhod nang bahagya. Doon ay nanahimik din siya at buong galang na nagpakilala.

"The name is Vintage Gayuma. Ang iyong ikatlong agent. Ang pinagpala ng diyos na si Mangkukulam. Ang diyos ng apoy." She said. "It's my honor to serve you and it is my complete mistake for making you chase me. I will accept any punishment you give me, Klara Delos Sinne."

Demoiselle of Omens (Trinity Series 1) Soon To Be Published Under IMMAC PPHHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin